Mga Patalastas
◼ Alok sa Abril at Mayo: Ang Bantayan at Gumising! Kapag nagpakita ng interes, iharap ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya. Kapag dumadalaw-muli sa mga dumalo sa Memoryal o iba pang teokratikong mga pagpupulong ngunit hindi aktibong nakikisama sa kongregasyon, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral gamit ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur. Kapag dumadalaw muli, iharap ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop sa kausap, alinman sa brosyur na Listen to God o Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Kung plano mong dumalo ng pandistritong kombensiyon sa ibang bansa, makatutulong sa iyo ang impormasyon sa Web site na jw.org. Piliin ang link na “Conventions” sa ilalim ng “Lookup” tab.