Mga Patalastas
◼ Alok sa Mayo: Ang Bantayan at Gumising! Hunyo: Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur.
◼ Marami tayong suplay ng DVD na Buháy ang Pananampalataya, Bahagi 2, sa Ingles at Tagalog. Hinihimok namin ang mga kongregasyon na mag-request nito gamit ang Literature Request form (S-14) para mabigyan ng mga mamamahayag ang kanilang mga tinuturuan sa Bibliya. Tutulong ito sa kanila na maging pamilyar sa lawak ng organisasyon ni Jehova sa buong daigdig.
◼ Yamang pag-aaralan natin ang aklat na Mensahe ng Diyos sa Atin sa Pamamagitan ni Jeremias sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya simula sa linggo ng Nobyembre 5, 2012, makabubuting magpadala ng request para sa mga mamamahayag at mga interesado na wala pang kopya nito. Makukuha ito sa pitong wika ng Pilipinas.
◼ Kung ikaw ay maospital at gusto mong madalaw ka ng mga elder na naglilingkod sa Patient Visitation Group, ano ang dapat mong gawin? Kapag ipinakikilala ang iyong sarili bilang isang Saksi ni Jehova, dapat mo ring ipaliwanag na puwede kang dalawin ng ministro ng Mga Saksi ni Jehova. Ang pahintulot na ito ay tutulong sa mga elder na malamang naroon ka sa ospital para mapatibay ka nila sa espirituwal.