Mga Patalastas
◼ Alok sa Disyembre: Gamitin ang isa sa sumusunod na mga tract: Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas!, Tamasahin ang Buhay Pampamilya, Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas?, o Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang tract na Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan? o ang aklat na Itinuturo ng Bibliya. Enero at Pebrero: Maaaring ialok ng mga mamamahayag ang isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, Ano ang Layunin ng Buhay?, o Maaari Kang Maging Kaibigan ng Diyos! Kapag nagpakita ng interes, sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang alinman sa mga brosyur na ito. Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya at sikaping makapagtatag ng regular na pag-aaral sa Bibliya. Marso at Abril: Bantayan at Gumising! Kapag dumadalaw-muli, ipakita ang aklat na Itinuturo ng Bibliya o, kung mas angkop, ang brosyur na Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Dapat i-audit ng inatasan ng koordineytor ng lupon ng matatanda ang accounts ng kongregasyon para sa mga buwan ng Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.—Tingnan ang Instructions for Congregation Accounting (S-27).
◼ 2013 Taunang Teksto: “Magpakalakas-loob ka at magpakatibay. . . . Si Jehova na iyong Diyos ay sumasaiyo.”—Josue 1:9. Dapat mailagay ng lahat ng kongregasyon ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall simula sa Enero 1, 2013.
◼ Simula sa Enero-Marso 2013 na isyu, ang magasing Awake! ay makukuha na rin sa wikang Pangasinan at Waray-Waray. Lalabas ito tuwing ikatlong buwan. Maaaring mag-request nito ang mga kongregasyon gamit ang Magazine Request form.
◼ Ang mga mag-o-auxiliary pioneer sa Marso 2013 ay maaaring umabot ng kahilingang 30 o 50 oras. Bukod diyan, kung dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito sa Marso, lahat ng auxiliary pioneer, 30 o 50 oras man ang inaabot, ay inaanyayahang dumalo sa buong miting ng tagapangasiwa ng sirkito sa mga regular pioneer.