Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 25, 2014.
Paano makatutulong ang Levitico 18:3 para maiwasan nating magkaroon ng pilipit na pagkadama ng tama at mali? (Efe. 4:17-19) [Hul. 7, w02 2/1 p. 29 par. 4]
Ano ang itinuturo sa atin ng utos sa Levitico 19:2, at bakit dapat nating sikapin na sundin ito? [Hul. 7, w09 7/1 p. 9 par. 5]
Ano ang itinuturo sa atin ng simulain sa likod ng sinaunang kautusan sa paghihimalay? (Lev. 19:9, 10) [Hul. 7, w06 6/15 p. 22-23 par. 13]
Bakit masasabi na ang kautusan ng “mata para sa mata” ay hindi nagtuturo ng paghihiganti? (Lev. 24:19, 20) [Hul. 14, w09 9/1 p. 22 par. 2-3]
Sa anong mga kalagayan maling magpataw ng interes sa utang ang isang Israelita, pero kailan siya maaaring magpataw ng interes? (Lev. 25:35-37) [Hul. 21, w04 5/15 p. 24 par. 3]
Bakit madalas banggitin na 12 ang tribo ng Israel samantalang 13 tribo talaga ito? (Bil. 1:49, 50) [Hul. 28, w08 7/1 p. 21]
Sa ulat ng Bilang 8:25, 26 tungkol sa sapilitang paglilingkod ng mga Levita, ano ang matututuhan natin may kinalaman sa pagpapakita ng konsiderasyon sa mga may-edad? [Agos. 11, w04 8/1 p. 25 par. 1]
Pagkatapos ng makahimalang pag-alis mula sa Ehipto, bakit nagkaroon ng mapagreklamong espiritu ang mga Israelita, at anong mahalagang aral ang matututuhan natin sa ulat na ito? (Bil. 11:4-6) [Agos. 18, w95 3/1 p. 16 par. 10]
Ano ang matututuhan natin sa pagtugon ni Moises nang magsimulang gumanap bilang mga propeta sina Eldad at Medad? (Bil. 11:27-29) [Agos. 18, w04 8/1 p. 26 par. 4]
Anong mahalagang simulain ang matututuhan natin sa utos sa mga Israelita na “gumawa sila para sa kanilang sarili ng mga panggilid na palawit sa mga laylayan ng kanilang mga kasuutan”? (Bil. 15:37-39) [Agos. 25, w04 8/1 p. 26 par. 7]