Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Abril 27, 2015. Isinama ang petsa kung kailan tatalakayin sa paaralan ang bawat punto upang magamit sa pagsasaliksik kapag naghahanda bawat linggo.
Anong uri ng pag-ibig ang matapat na pag-ibig, at sa anong mga aspekto ng buhay ito kailangang-kailangan? (Ruth 1:16, 17) [Mar. 2, w12 7/1 p. 26 par. 6]
Paano nagkaroon si Ruth ng reputasyon ng pagiging “isang mahusay na babae”? (Ruth 3:11) [Mar. 2, w12 10/1 p. 23 par. 1]
Kapag napapaharap tayo sa mga problema, paano tayo makikinabang sa halimbawa ni Hana? (1 Sam. 1:16-18) [Mar. 9, w07 3/15 p. 16 par. 4-5]
Nang ang batang si Samuel ay ‘lumalaki sa harap ni Jehova,’ ano ang nagsanggalang sa kaniya mula sa masamang halimbawa ng mga anak ni Eli? (1 Sam. 2:21) [Mar. 9, w10 10/1 p. 16 par. 2-3]
Paano tayo makikinabang sa di-padalos-dalos na pagkilos ni Saul nang tanggihan ng “mga walang kabuluhang lalaki” ang kaniyang paghahari? (1 Sam. 10:22, 27) [Mar. 23, w05 3/15 p. 23 par. 1]
Anong mahalagang aral ang matututuhan natin mula sa maling pananaw ni Saul na ang hain ay puwedeng ihalili sa pagsunod kay Jehova? (1 Sam. 15:22, 23) [Mar. 30, w07 6/15 p. 26 par. 3-4]
Bakit nakaaaliw malaman na “tumitingin [si Jehova] sa kung ano ang nasa puso” ng isang tao? (1 Sam. 16:7) [Abr. 6, w10 3/1 p. 23 par. 7]
Ayon sa Kawikaan 1:4, ano ang inaasahan ni Jehova na gagamitin natin kapag napapaharap sa mahihirap na kalagayan? (1 Sam. 21:12, 13) [Abr. 13, w05 3/15 p. 24 par. 5]
Bakit masasabing hindi naghimagsik si Abigail sa pagkaulo ng kaniyang asawa nang bigyan niya ng mga panustos si David at ang mga tauhan nito? (1 Sam. 25:10, 11, 18, 19) [Abr. 20, w09 7/1 p. 20 par. 3]
Si Abigail ay humingi ng paumanhin para sa isang bagay na hindi naman niya ginawa. Paano tayo makikinabang sa kaniyang halimbawa? (1 Sam. 25:24) [Abr. 20, w02 11/1 p. 5 par. 1, 4]