Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Agosto 31, 2015.
Anong nakapagpapatibay-pananampalatayang mga katotohanan tungkol sa Diyos na Jehova ang makikita sa panalangin ni Solomon, at paano tayo makikinabang sa pagbubulay-bulay sa mga katotohanang iyon? (1 Hari 8:22-24, 28) [Hulyo 6, w05 7/1 p. 30 par. 3]
Paano tayo mapasisiglang tularan ang halimbawa ni David na lumakad “taglay ang katapatan ng puso”? (1 Hari 9:4) [Hulyo 13, w12 11/15 p. 7 par. 18-19]
Anong mahalagang aral ang matututuhan natin nang isugo ni Jehova si Elias sa balo ng Zarepat? (1 Hari 17:8-14) [Hulyo 27, w14 2/15 p. 14]
Paano napatatatag ng 1 Hari 17:10-16 ang ating determinasyong lubos na magtiwala kay Jehova? [Hulyo 27, w14 2/15 p. 13-15]
Paano tayo matutulungan ng halimbawa ni Elias na makayanan ang pagkadama ng kawalang-pag-asa? (1 Hari 19:4) [Agos. 3, ia p. 102 par. 10-12; w14 3/15 p. 15 par. 15-16]
Ano ang nadama ni Jehova nang makita niya ang tapat niyang propetang si Elias na nawawalan na ng ganang mabuhay, at paano natin matutularan ang ating maibiging Diyos? (1 Hari 19:7, 8) [Agos. 3, w14 6/15 p. 27 par. 15-16]
Ano ang pagkakamali ni Haring Ahab, at paano maiiwasan ng mga Kristiyano sa ngayon ang gayunding pagkakamali? [Agos. 10, lv p. 164-165, kahon; w14 2/1 p. 14-15 par. 3-4]
Ano ang matututuhan natin sa pakiusap ni Eliseo kay Elias, at paano ito makatutulong sa atin kapag tumatanggap tayo ng bagong atas sa ating paglilingkod? (2 Hari 2:9, 10) [Agos. 17, w03 11/1 p. 31 par. 5-6]
Paano matutularan ng mga bata ang pananampalataya at lakas ng loob ng batang babaeng Israelita sa 2 Hari 5:1-3? [Agos. 24, w12 2/15 p. 12-13 par. 11]
Anong mga katangian ni Jehu ang dapat pagsikapang pasulungin ng lahat ng lingkod ni Jehova sa panahong ito ng kawakasan? (2 Hari 10:16) [Agos. 31, w11 11/15 p. 5 par. 4]