Pagsulong sa Paglilingkod sa Larangan
200,384 na Mamamahayag noong Marso! Sa unang pagkakataon, naabot ng Sangay sa Pilipinas ang 200,000 mamamahayag. Mahalagang pangyayari ito sa ating teokratikong kasaysayan. Kasama sa bilang na ito ang 38,594 na regular pioneer at 28,745 auxiliary pioneer. Naabot din natin ang mga bagong peak sa bilang ng oras, pagdalaw-muli, at pag-aaral sa Bibliya, at mahigit na 6 na milyon ang naipamahaging imbitasyon para sa Memoryal. Totoong pinatunayan ng lahat ng nakibahagi na sila ay “handa para sa bawat mabuting gawa”—Tito 3:1.