Mga Patalastas
◼ Alok sa Oktubre: Bantayan at Gumising! Nobyembre at Disyembre: Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? o isa sa sumusunod na mga tract: Ano ang Sekreto sa Maligayang Pamilya?, Sino Talaga ang Kumokontrol sa Mundo?, o Matatapos Pa Ba ang Pagdurusa? Enero at Pebrero: Magandang Balita Mula sa Diyos! o isa sa sumusunod na 32-pahinang brosyur: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, o Ano ang Layunin ng Buhay?, at sikaping makapagpasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
◼ Gaya ng ipinatalastas sa Hunyo 2015 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ang aklat na Tularan ang Kanilang Pananampalataya (ia) ang gagamitin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya pasimula sa linggo ng Oktubre 19, 2015.
◼ Ang iskedyul ng pulong para sa linggo bago ang inyong panrehiyong kombensiyon ay dapat baguhin para marepaso ang mga payo at paalaala mula sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian, Agosto 2015, at mula sa liham para sa lahat ng kongregasyon na may petsang Agosto 3, 2013, tungkol sa mga pag-iingat na dapat gawin kapag dumadalo sa espirituwal na mga programa. Mga isa o dalawang buwan matapos ang inyong kombensiyon, maaaring repasuhin sa lokal na mga pangangailangan ang mga punto mula sa kombensiyon na nakita ng mga mamamahayag na nakatutulong sa kanilang ministeryo.
◼ Maaaring dalhin sa kombensiyon ang mga matitirang imbitasyon para magamit sa di-pormal na pagpapatotoo.