KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 45-51
Hindi Itatakwil ni Jehova ang Isang Pusong Wasak
Ang Awit 51 ay isinulat ni David matapos itawag-pansin ni propeta Natan ang malubhang kasalanan ni David may kaugnayan kay Bat-sheba. Inusig si David ng kaniyang budhi, at mapagpakumbabang nagtapat.—2Sa 12:1-14.
Nagkasala si David pero posible pa ring manumbalik ang espirituwalidad niya
Bago siya magsisi at magtapat, naging miserable siya dahil sa panunumbat ng budhi
Dumanas siya ng matinding paghihirap ng kalooban nang maiwala niya ang pagsang-ayon ng Diyos kung kaya parang nadurog ang kaniyang mga buto
Inasam-asam niya ang kapatawaran, panunumbalik ng espirituwalidad, at kagalakang taglay niya noon
Nakiusap siya kay Jehova na tulungan siyang maging handang sumunod
Umasa siyang patatawarin siya ni Jehova