Nobyembre 12-18
GAWA 1-3
Awit 104 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Ibinuhos ang Banal na Espiritu sa Kongregasyong Kristiyano”: (10 min.)
[I-play ang video na Introduksiyon sa Mga Gawa.]
Gaw 2:1-8, 14, 37, 38, 41—Pagkatanggap ng banal na espiritu, nangaral ang mga alagad ni Jesus kaya mga 3,000 ang nabautismuhan
Gaw 2:42-47—Dahil nagpakita ng pagkabukas-palad at pagkamapagpatuloy ang mga alagad ni Jesus, nakapanatili nang mas matagal sa Jerusalem ang mga bagong bautisado at napatibay ang kanilang pananampalataya (w86 12/1 29 ¶4-5, 7)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
Gaw 3:15—Bakit tinawag si Jesus na “Punong Ahente ng buhay”? (it-1 1208 ¶3)
Gaw 3:19—Paano inilarawan ng tekstong ito ang pagpapatawad ni Jehova sa mga nagsisising nagkasala? (cl 265 ¶14)
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Ano pang espirituwal na hiyas ang natuklasan mo sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Gaw 2:1-21
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Unang Pag-uusap: (2 min. o mas maikli) Gamitin ang sampol na pakikipag-usap.
Video ng Unang Pagdalaw-Muli: (5 min.) I-play at talakayin ang video.
Pahayag: (6 min. o mas maikli) it-1 161 ¶3-4—Tema: Bakit Pinalitan si Hudas Pero Hindi ang mga Apostol na Namatay Nang Tapat?
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“Makipagtulungan sa Pangangaral sa Teritoryong May Iba’t Ibang Wika”: (15 min.) Pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. I-play at talakayin ang video. Banggitin ang mga kaayusan sa pangangaral sa teritoryong may iba’t ibang wika.
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min.) jy kab. 43 ¶1-7
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 68 at Panalangin