KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | GAWA 27-28
Naglayag si Pablo Papuntang Roma
Kahit noong bilanggo si Pablo, hindi siya tumigil sa pangangaral. Habang nasa barko, nangaral siya sa mga tripulante at iba pang pasahero. Pagkatapos lumubog ng barko sa Malta, siguradong ipinangaral niya ang mabuting balita sa mga pinagaling niya. Tatlong araw pagkarating niya sa Roma, tinawag niya ang mga prominenteng lalaking Judio para mangaral sa kanila. At habang nakakulong sa bahay nang dalawang taon, nangangaral siya sa mga bumibisita sa kaniya.
Paano mo maipangangaral ang mabuting balita sa kabila ng iyong mga limitasyon?