Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb21 Enero p. 9
  • Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Kaparehong Materyal
  • Tinutulungan Tayo ni Jehova sa Panahon ng Pagsubok
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Paano Natin Dapat Malasin ang mga Pagsubok?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2017
  • Pagbabata
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
mwb21 Enero p. 9
Nakatingin si Jesus mula sa kaniyang trono sa langit at nasa likod niya ang maluwalhating trono ni Jehova.

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Paglaya sa Hinaharap​—Salamat sa Diyos at kay Kristo

Ano ang mga pinoproblema mo sa araw-araw? Isa ka bang tatay na maraming responsibilidad? Isa ka bang single parent na nahihirapang makaraos sa buhay? Isa ka bang estudyante na binu-bully sa school? May sakit ka ba o nagkakaedad na? Lahat tayo ay may pinagdadaanan. Maraming kapatid ang may patong-patong na problema. Pero alam nating hindi na magtatagal, makakalaya rin tayo sa mga problemang ito.​—2Co 4:16-18.

Pansamantala, nakakagaan ng loob malaman na naiintindihan ni Jehova ang paghihirap natin. Nakikita niya ang katapatan natin at pagtitiis, at gagantimpalaan niya tayo sa hinaharap. (Jer 29:11, 12) Nagmamalasakit din si Jesus sa atin. Habang ginagawa natin ang mga dapat nating gawin bilang Kristiyano, tinitiyak niya sa atin: “Makakasama ninyo ako.” (Mat 28:20) Kapag pinag-iisipan natin ang ating paglaya sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, tumitibay ang pag-asa natin at determinasyong tiisin ang mga problemang dumarating.​—Ro 8:19-21.

PANOORIN ANG VIDEO NA HABANG PAPALAPIT ANG BAGYO, MANATILING NAKATUON KAY JESUS!​—PAGPAPALA NG KAHARIAN SA HINAHARAP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano naging hiwalay sa Diyos ang mga tao, at ano ang resulta nito?

  • Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga tapat kay Jehova?

  • Paano magiging posible ang napakagandang kinabukasang ito?

  • Anong mga pagpapala sa ipinangakong bagong sanlibutan ang pinakainaabangan mo?

Collage: Masayang-masaya ang mga tao sa Paraiso. 1. Niyayakap ng sister ang binuhay-muli. 2. Nasisiyahan sila sa saganang pagkain, malinis na lupa, at kapayapaan.

Isiping nasa bagong sanlibutan ka na

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share