Dominican Republic
NOONG 1492, naglayag si Christopher Columbus sa Bagong Daigdig—mga bagong lupaing nag-aalok ng kayamanan at pakikipagsapalaran. Tinawag niyang La Isla Española, o Hispaniola, ang isa sa mga islang ito. Mga dalawang-katlo nito ay sakop ngayon ng Dominican Republic. Nitong makabagong panahon, libo-libong taga-Dominican Republic ang nakatuklas ng isang bagay na ibang-iba—ang darating na bagong sanlibutan na tatahanan ng walang-hanggang katuwiran sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. (2 Ped. 3:13) Narito ang kapana-panabik na kasaysayan ng tapat-pusong mga tao na nakasumpong ng napakahalagang tuklas na ito.