Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 110
  • Ang Bibliya sa Wikang Georgiano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bibliya sa Wikang Georgiano
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 110
Isang pahina sa Bibliyang Georgiano

Ang Mokvi Four Gospels, isang manuskritong Georgiano noong ika-14 na siglo

GEORGIA | 1924-1990

Ang Bibliya sa Wikang Georgiano

ANG Georgiano ay isa sa kauna-unahang wika na doo’y isinalin ang Bibliya, kasama ng Armeniano, Coptic, Latin, Syriac, at iba pa. Ang matatandang manuskritong Georgiano ng mga Ebanghelyo, mga liham ni Pablo, at Mga Awit ay may petsa noon pang kalagitnaan ng ikalimang siglo C.E. o mas maaga pa. Sa sumunod na mga siglo, nagkaroon ng ilang bersiyon dahil dumami ang nagsalin at kumopya ng Bibliya sa wikang Georgiano.a

Lubhang naimpluwensiyahan ng Bibliya ang panitikan at tradisyonal na mga pamantayan ng mga Georgiano. Halimbawa, ang kalunos-lunos na kuwento ni Reyna Shushanik, malamang na naisulat noong dakong huli ng ikalimang siglo, ay may pagsipi o pagtukoy mula sa iba’t ibang talata ng Bibliya. Sa epikong tula ni Shota Rustaveli na Vepkhvistqaosani (The Knight in the Panther’s Skin), kinatha noong mga 1220, tinukoy niya ang Kristiyanong mga pamantayang moral. Sumulat siya ng mga paksang tungkol sa pakikipagkaibigan, pagkabukas-palad, at pag-ibig sa mga estranghero—mga pamantayang itinuturing pa rin ng mga Georgiano na gabay sa moralidad.

a Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang artikulong “Kayamanang Nakatago sa Loob ng Maraming Siglo” sa Ang Bantayan, Hunyo 1, 2013.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share