Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • yb17 p. 169-170
  • Tumugon sa Katotohanan ang mga Kurd

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumugon sa Katotohanan ang mga Kurd
  • 2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova
yb17 p. 169-170
Sister na nagtuturo sa isang babae sa wikang Kurdish

GEORGIA

Tumugon sa Katotohanan ang mga Kurd

“MADALAS kong pinasasalamatan si Jehova sa panalangin dahil nakapakinig ako tungkol sa kaniya sa aking sariling wika,” ang sabi ni Gulizar.

Si Gulizar ay nakisama sa mga Saksi ni Jehova sa loob ng walong taon, pero nabautismuhan lang siya pagkatapos dumalo ng mga pulong sa wikang Kurdish. Isa siya sa maraming Kurd na tumugon sa katotohanan sa Georgia nitong nakaraang mga taon. Ngunit sino ba ang mga Kurd?

Ang mga Kurd ay nanirahan sa Middle East sa loob ng mga dantaon. Ipinalalagay ng ilang iskolar na mga inapo sila ng sinaunang mga Medo na binabanggit sa Bibliya. (2 Hari 18:11; Gawa 2:9) Ang wika nila ay kasama sa grupo ng mga wikang Iranian.

Milyon-milyong Kurd ang nakatira ngayon sa iba’t ibang bansa, kasama na ang Armenia, Iran, Iraq, Syria, at Turkey. May mga 20,000 Kurd sa Georgia. Karaniwan na, sila ay may-takot sa Diyos at may matinding paggalang sa espirituwal na mga bagay.

May 500 mamamahayag na Kurd sa Georgia ngayon, at tatlong kongregasyon sa wikang Kurdish. Noong 2014, tuwang-tuwa ang lahat nang idaos sa Tbilisi ang unang panrehiyong kombensiyon sa wikang Kurdish, na dinaluhan ng mga delegado mula sa Armenia, Germany, Turkey, at Ukraine.

Gustong-gusto ng mga batang Kurd ang mga video nina Caleb at Sophia
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share