Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwex artikulo 1
  • “Ginagawa Ko ang Magagawa Ko”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ginagawa Ko ang Magagawa Ko”
  • Mga Karanasan ng mga Saksi ni Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Natulungan ang mga Kapatid sa Caribbean
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2019
  • Sabihin Mo sa Kanila na Mahal Mo Sila
    Mga Karanasan ng mga Saksi ni Jehova
  • “Ngayon Lang May Nagmahal sa Akin Nang Ganito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Mga Karanasan ng mga Saksi ni Jehova
ijwex artikulo 1
Gumagawa si Irma ng sulat

“Ginagawa Ko ang Magagawa Ko”

Si Irma ay taga-Germany. Halos 90 anyos na siya. Dalawang beses siyang naaksidente at ilang beses nang naoperahan kaya hindi na siya makasama sa bahay-bahay. Ngayon, nangangaral siya sa mga kamag-anak niya at mga kaibigan sa pamamagitan ng sulat. Tuwang-tuwa ang marami kapag nakakatanggap sila ng nakakapagpatibay na mga sulat at mga sulat ng pakikiramay. Tumatawag o sumusulat pa nga ang iba para lang malaman kung kailan niya ulit sila susulatan. Marami rin siyang natatanggap na mga thank-you letter. Sinabi ni Irma, “Napapasaya ako nito at nakakapangaral pa ako.”

Irma

Sinusulatan din ni Irma ang mga nasa nursing home. Sinabi niya: “May tumawag sa akin na isang may-edad nang babae, at sinabi niya na talagang napatibay siya ng sulat ko dahil kamamatay lang ng mister niya. Inipit niya ang sulat ko sa Bibliya niya at kadalasan nang binabasa niya iyon sa gabi. Sinabi rin ng isang babae na namatayan din ng asawa na mas nakatulong pa sa kaniya ang sulat ko kaysa sa sermon ng pari. Marami siyang tanong at gusto niyang dumalaw sa akin.”

May isang di-Saksing kaibigan si Irma na lumipat sa malayong lugar. Sinabi niya kay Irma na padalhan siya ng sulat. “Itinago niya lahat ng sulat ko,” ang sabi ni Irma. “Nang mamatay siya, tumawag ang anak niyang babae at sinabi sa akin na nabasa niya lahat ng sulat ko, at gusto niyang padalhan ko rin siya ng mga sulat tungkol sa Bibliya.”

Talagang masaya si Irma sa pangangaral sa ganitong paraan. “Hinihiling ko kay Jehova na lagi akong bigyan ng lakas para mapaglingkuran siya,” ang sabi niya. “Kahit hindi na ako makasama sa bahay-bahay, ginagawa ko ang magagawa ko.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share