Bahay Noong Unang Siglo
Sa Israel noong unang siglo, ang maitatayong bahay ay nakadepende sa pinansiyal na kakayahan ng nagtatayo at sa mga materyales na makukuha sa lugar. Maraming maliliit na bahay ang gawa sa tinabas na mga bato o sa laryong putik na pinatuyo sa araw. Karaniwan nang may palitada ang mga pader sa loob ng bahay. Ang sahig ay karaniwan nang yari sa binayong lupa, pero may ilan na kongkreto. Ang luwad na bubong ay nakapatong sa mga sanga, tambo, at iba pang kahoy na nasa ibabaw ng mga bigang kahoy na sinusuportahan ng mga poste. Ang luwad ay siniksik para magsilbing palitada at hindi tumagos ang tubig sa bubong. May hagdan sa bahay para makaakyat sa bubong, pero kapag mahirap ang pamilya, kahoy lang ang hagdan nila sa labas. Kakaunti lang ang muwebles ng mahihirap.
Kaugnay na (mga) Teksto: