Paghahagis ng Lambat
Ang mga mangingisda sa Lawa ng Galilea ay gumagamit ng dalawang klase ng lambat; ang isa ay lambat na maliliit ang mata, o butas, para makahuli ng maliliit na isda at ang isa pa ay malalaki ang mata para sa malalaking isda. Di-gaya ng ibang uri ng lambat na kailangan ng bangka at kailangang hilahin ng maraming tao, ang ganitong lambat ay puwedeng gamitin kahit ng isang tao lang na nasa bangka o nasa dalampasigan o malapit dito. Ang inihahagis na lambat ay mga 6 m (18 ft) ang diyametro o higit pa at may mga pabigat na bato o tingga sa dulo. Kapag tama ang pagkakahagis, lalapag ito nang lapát sa tubig. Unang lumulubog ang mabigat na bahagi, at nahuhuli ang mga isda habang lumulubog ang lambat sa sahig ng dagat. Puwedeng sumisid ang mangingisda para kunin ang isda sa lumubog na lambat, o puwede niyang unti-unting hilahin ang lambat sa dalampasigan. Kailangan ng husay at tiyaga sa paggamit ng lambat na ito.
Kaugnay na (mga) Teksto: