Cesar Augusto
Si Octavio ang unang emperador ng Imperyo ng Roma. Ang buong pangalan niya ay Gayo Julio Cesar Octaviano (Octavio o Octavian). Ampon siya ng Romanong diktador na si Julio Cesar, na pinatay noong 44 B.C.E. Noong Setyembre 31 B.C.E., si Octavio ang naging tagapamahala ng Imperyo ng Roma, at noong Enero 16, 27 B.C.E., binigyan siya ng Senado ng Roma ng titulong Augusto. Noong 2 B.C.E., iniutos ni Augusto na magparehistro ang lahat ng tao sa imperyo “sa kani-kanilang lunsod.” (Luc 2:1-7) Dahil sa utos na ito, ipinanganak si Jesus sa Betlehem, bilang katuparan ng hula sa Bibliya. (Dan 11:20; Mik 5:2) Namatay si Augusto noong Agosto 17, 14 C.E. (Agosto 19 sa kalendaryong Julian), sa mismong buwan na isinunod niya sa pangalan niya. Ang bronseng eskultura na makikita rito ay mula pa noong 27 hanggang 25 B.C.E. at iniingatan ngayon sa British Museum.
Credit Line:
© Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: http://www.britishmuseum.org/research/collection_online/collection_object_details/collection_image_gallery.aspx?partid=1&assetid=737314001&objectid=466397
Kaugnay na (mga) Teksto: