Ruda
Ang ruda ay isang palumpong na tumutubo sa anumang panahon at may mabalahibong tangkay at matapang na amoy. Tumataas ito nang mga 1 m (3 ft), ang dahon nito ay mapusyaw na berde, at ang bulaklak nito ay kumpol-kumpol na dilaw. Ang uri ng ruda na makikita sa larawan (Ruta chalepensis latifolia) at ang common rue (Ruta graveolens) ay parehong tumutubo sa Israel. Noong ministeryo ni Jesus, posibleng ginagamit ang ruda na panggamot at pampalasa ng pagkain. Sa Bibliya, sa Luc 11:42 lang binanggit ang ruda, noong kondenahin ni Jesus ang mga Pariseo dahil mahigpit nilang sinusunod ang pagbibigay ng ikapu para lang magmukha silang matuwid.—Ihambing ang Mat 23:23.
Credit Line:
Photo by Avinoam Danin, flora.org.il
Kaugnay na (mga) Teksto: