Tinang Purpura
Nakukuha ang tinang purpura sa mga shellfish o mollusk gaya ng Murex trunculus (kaliwa) at Murex brandaris (kanan) na makikita rito. Ang mga shell ay may haba na 5 hanggang 8 cm (2 hanggang 3 in). Sa leeg ng mismong hayop, may glandula na naglalaman ng isang patak ng likido na tinatawag na flower. Sa una, ang likidong ito ay malapot at kulay-gatas, pero kapag nahanginan ito at nasinagan ng liwanag, unti-unti itong nagiging kulay-ube o mamula-mulang purpura. Makikita ang mga shellfish na ito sa baybayin ng Dagat Mediteraneo, at iba-iba ang tingkad ng kulay ng tina depende sa kung saan ito nakuha. Binubuksan isa-isa ang malalaking shell at saka maingat na kinukuha ang likido mula sa hayop; ang maliliit naman ay dinudurog sa dikdikan. Dahil kaunti lang ang likidong nakukuha sa bawat shellfish, napakalaking trabaho ang kailangan para makaipon nito. Kaya napakamahal ng tinang ito, at ang mga damit na tinina sa purpura ay naging pagkakakilanlan ng mayayaman o prominenteng mga tao.—Es 8:15.
Credit Line:
Courtesy of SDC Colour Experience (www.sdc.org.uk)
Kaugnay na (mga) Teksto: