Codex Vaticanus—Ang Katapusan ng Ebanghelyo ni Marcos
Ang Vatican Manuscript Blg. 1209, na tinatawag ding Codex Vaticanus, ay mula noong ikaapat na siglo C.E. Itinuturing ito ng mga iskolar na isa sa mga maaasahang batayan ng tekstong Griego sa Bibliya. Makikita sa larawan ang katapusan ng Ebanghelyo ni Marcos. Sa manuskritong ito at sa kasinghalaga nitong ikaapat-na-siglong manuskrito na tinatawag na Codex Sinaiticus, ang ulat ni Marcos ay nagtatapos sa mga pananalitang makikita sa mga Bibliya ngayon sa Marcos 16:8. (Tingnan ang study note sa Mar 16:8.) Posibleng ginawa ang codex na ito sa Alejandria, sa Ehipto. Mababasa dati sa codex na ito ang buong Bibliya sa wikang Griego, at malamang na mayroon itong mga 820 pahina, pero 759 pa ang natira. Wala na ang kalakhang bahagi ng Genesis, pati na ang isang bahagi ng Awit, Hebreo 9:14 hanggang 13:25, at ang buong 1 at 2 Timoteo, Tito, Filemon, at Apocalipsis. Naingatan ang Codex Vaticanus sa Vatican Library sa Rome, Italy, at sinasabing nandoon na ito mula pa noong ika-15 siglo.
Credit Line:
Vat.gr.1209 © 2016 Biblioteca Apostolica Vaticana
Kaugnay na (mga) Teksto: