Saling Sahidic Coptic ng Juan 1:1
Mababasa sa manuskritong ito (mula noong mga 600 C.E.) ang salin ng Ebanghelyo ni Juan sa diyalektong Sahidic ng wikang Coptic. Ginamit ang wikang Coptic sa Ehipto sa sumunod na mga siglo pagkatapos ng ministeryo ni Jesus sa lupa. Ang Coptic, gaya ng Syriac at Latin, ay isa sa mga unang wika kung saan isinalin ang Kristiyanong Griegong Kasulatan. Mayroon nang mga salin sa Coptic noong ikatlong siglo C.E., kaya matutulungan tayo nito na malaman ang intindi ng mga tao noon sa tekstong Griego. Malaki ang maitutulong nito para maintindihan ang kontrobersiyal na ikalawang bahagi ng Ju 1:1, na ganito ang salin sa maraming Bibliya: “At ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.” Di-gaya ng Griegong Koine, Syriac, at Latin, ang diyalektong Sahidic Coptic ay may di-tiyak na pantukoy (puwedeng ipanumbas sa “a” at “an” ng Ingles). Gaya ng makikita rito, ang dalawang paglitaw ng salitang Coptic para sa “Diyos” (naka-highlight) ay may kaunting pagkakaiba—ang una (1) ay may tiyak na pantukoy (binilugan) at ang ikalawa (2) ay may di-tiyak na pantukoy (binilugan). Kaya sinusuportahan nito ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin sa talatang ito: “At ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay isang diyos.”—Tingnan ang study note sa Ju 1:1 para sa higit pang impormasyon tungkol sa saling “at ang Salita ay isang diyos.”
Credit Line:
© The Trustees of the Chester Beatty Library, Dublin/CBL Cpt 813, ff. 147v-148r/www.cbl.ie
Kaugnay na (mga) Teksto: