Manggagapas
Noong panahon ng Bibliya, binubunot lang kung minsan ng mga manggagapas ang mga tangkay ng butil sa lupa. Pero mas madalas na gumagamit sila ng karit para putulin ang mga tangkay. (Deu 16:9; Mar 4:29) Kadalasan na, marami ang nagtutulong-tulong para mag-ani; grupo-grupo ang nag-aani ng hinog na mga butil sa bukid. (Ru 2:3; 2Ha 4:18) Ginamit ng ilang manunulat ng Bibliya, gaya nina Haring Solomon, propeta Oseas, at apostol Pablo, ang pag-aani para magturo ng mahalagang katotohanan. (Kaw 22:8; Os 8:7; Gal 6:7-9) Ginamit din ni Jesus ang trabahong ito para ilarawan ang papel ng mga anghel at ng mga tagasunod niya sa paggawa ng mga alagad.—Mat 13:24-30, 39; Ju 4:35-38.
Kaugnay na (mga) Teksto: