Panukat ng Lalim
Ang ganitong panukat ng lalim (1), na iba-iba ang hugis at laki, ay isa sa pinakalumang kagamitang pandagat. Itinatali ito sa lubid at inihahagis sa gilid ng barko. Kapag umabot na ito sa sahig ng dagat, susukatin ng mga mandaragat ang haba ng lubid para malaman kung gaano na kalalim ang dagat mula sa sahig ng barko (2). Ang ilalim ng ilang panukat ay nilalagyan ng taba ng hayop kung saan puwedeng dumikit ang maliliit na bagay mula sa sahig ng dagat, gaya ng bato at buhangin. Pagkakuha sa panukat, susuriin ng mga mandaragat ang mga pirasong dumikit dito. Iba-ibang materyales ang puwedeng gamitin sa paggawa nito, pero karaniwan nang gawa ito sa tingga. Sa katunayan, ang pandiwang Griego para sa “sukatin ang lalim” na ginamit sa Gaw 27:28 ay literal na nangangahulugang “ihagis ang tingga.”
1. Panukat ng lalim
2. Lubid
Credit Line:
Courtesy of Israel Antiquities Authority
Kaugnay na (mga) Teksto: