Sisidlang Luwad
Makikita rito ang mga sisidlang luwad na mula pa noong unang siglo C.E. May mga gumagawa ng mga ganitong sisidlan sa Corinto. Sa ikalawang liham ni Pablo para sa kongregasyon sa Corinto, ikinumpara niya ang mga Kristiyano sa ganitong uri ng di-mamahaling lalagyan. Gumagamit ng mga banga, palayok, at lamparang luwad ang mga alagad sa Corinto para sa pang-araw-araw na gawain nila. Sa tuwing ginagamit ng mga alagad ang mga babasagíng sisidlan na ito, naaalala nila ang mga pribilehiyong ipinagkaloob sa kanila ni Jehova at kung ano ang dapat na maging pananaw nila sa sarili nila.—2Co 4:1, 5-11.
Credit Line:
Photo: Petros Dellatolas. American School of Classical Studies at Athens, Corinth Excavations
Kaugnay na (mga) Teksto: