Pamatok na Hindi Pantay
Makikita rito ang isang toro at isang asno na magkasamang pinag-aararo. Ipinagbabawal ito sa Kautusang Mosaiko. Di-hamak na mas malakas ang toro sa asno kaya parehong mahihirapan ang mga hayop na ito sa paghila ng araro o ng mabigat na pasan. (Deu 22:10; Kaw 12:10) Ginamit ni Pablo ang gawaing ito para idiin ang payo niya sa mga Kristiyano na huwag “makipagtuwang sa mga di-sumasampalataya.”—2Co 6:14.
Kaugnay na (mga) Teksto: