Antioquia ng Sirya
Makikita sa larawan ang lunsod ng Antakya sa Türkiye ngayon. Ito ang lokasyon ng dating lunsod ng Antioquia, ang kabisera ng Romanong lalawigan ng Sirya. Noong unang siglo C.E., sinasabing ang Antioquia ng Sirya ang ikatlong pinakamalaking lunsod sa Imperyo ng Roma, kasunod ng Roma at Alejandria. Sinasabi ng ilan na ang populasyon nito ay 250,000 o higit pa. Pagkatapos patayin ng mga mang-uumog si Esteban sa Jerusalem at pag-usigin doon ang mga tagasunod ni Jesus, nagpunta ang ilang alagad sa Antioquia. Ipinangaral nila ang mabuting balita sa mga taong nagsasalita ng Griego at naging matagumpay sila. (Gaw 11:19-21) Nang maglaon, sa Antioquia tumira si apostol Pablo habang naglalakbay siya bilang misyonero. “Sa Antioquia unang tinawag na mga Kristiyano ang mga alagad sa pamamagitan ng patnubay ng Diyos.” (Gaw 11:26) Iba ang Antioquia ng Sirya sa Antioquia ng Pisidia (gitnang Türkiye), na binanggit sa Gaw 13:14; 14:19, 21, at 2Ti 3:11.
Kaugnay na (mga) Teksto: