Pagtatatak ng Dokumento
Ginagamit sa iba’t ibang paraan ang mga pantatak noong unang panahon. Halimbawa, ginagamit ang mga ito bilang indikasyon ng kasunduan o pagiging tunay ng isang bagay. (Tingnan sa Glosari, “Pantatak; Tatak.”) Noong panahon ng mga Griego at Romano, isinusulat ng mga tao sa isang tablang nababalutan ng wax ang legal na mga kasunduan o mga transaksiyon sa negosyo. Kailangang patunayan ng mga saksi na totoo ang nilalaman ng ganitong mga dokumento. Ang isang saksi ay may sariling pantatak, na eksklusibo ang disenyo at kadalasan nang nakaukit sa isang singsing. Itinatatak niya ito sa isang limpak ng mainit na wax na nasa ibabaw ng taling ipinansara sa dokumento. Kapag lumamig ang wax, maseselyuhan ang dokumento hanggang sa buksan ito para makita ng publiko. Sa paggawa nito, pinatototohanan ng mga saksi na tunay ang dokumento, at hindi rin ito basta-basta mapapalsipika. Kaya naman ang ekspresyong “tatakan; lagyan ng tatak” ay nangahulugan na ring “patunayan o kumpirmahin na totoo o mapanghahawakan ang isang bagay.” Sinabi ni apostol Juan na ang sinumang naniniwala sa patotoo ni Jesus ay naglagay ng kaniyang tatak, o nagpapatunay, na ang Diyos ay tapat, o nagsasabi ng totoo.—Tingnan ang study note sa Ju 3:33.
Credit Line:
Image provided by the British Museum, distributed under CC BY-NC-SA 4.0 (https://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/4.0/); modification: Colorized
Kaugnay na (mga) Teksto: