Baryang Ipinagawa ni Haring Aretas IV
Makikita sa magkabilang panig ng baryang pilak na ito, na ginawa noong mga 21 C.E., ang mukha ng Arabeng hari na si Aretas IV. Ang ganitong mga barya ay may inskripsiyon (ang isang bahagi ay makikita sa barya sa kaliwa) na nagsasabing: “Si Haring Aretas ng Nabatea, na nagmamahal sa kaniyang bayan.” Petra ang kabisera ng kaharian ng Nabatea; makikita ito ngayon sa Jordan sa timog ng Dagat na Patay. (Tingnan ang Ap. B10, B13.) Namahala si Aretas noong mga 9 B.C.E. hanggang mga 40 C.E. Isang beses siyang binanggit sa Bibliya, may kaugnayan sa pangangaral ni Pablo sa Damasco noong mga 34-36 C.E. Nang panahong iyon, may awtoridad si Aretas IV sa Damasco. Lumilitaw na ang gobernador na binanggit ni Pablo sa 2Co 11:32 ay kinatawan doon ni Aretas IV. (Tingnan ang study note sa 2Co 11:32.) Noong namamahala pa si Aretas, nagpagawa siya ng napakaraming baryang pilak at bronse, at karamihan sa mga ito ay nahukay sa mga lugar na malayo sa sinaunang Nabatea. Ang mga baryang ito na may pangalan ng haring si Aretas ay nagpapakita na talagang nabuhay siya kasabay ni apostol Pablo.
Credit Line:
© Trustees of the British Museum. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Source: https://research.britishmuseum.org/research/collection_online/collection_object_details.aspx?objectId=1275245&partId=1&searchText=1838%2c0419.240&images=true&page=1
Kaugnay na (mga) Teksto: