Piraso ng Papiro na Naglalaman ng Ilang Bahagi ng Liham ni Pablo kay Tito
Makikita rito ang isang maliit na piraso ng papiro na tinatawag na P32. Mababasa ang Tit 1:11-15 sa isang panig nito, at ang Tit 2:3-8 naman sa kabilang panig. Pinaniniwalaang mula pa noong mga 200 C.E. ang pahinang ito ng codex. Iniingatan ito sa John Rylands University Library sa Manchester, England. Napakalapit ng nilalaman nito sa maaasahang manuskritong Griego na Codex Sinaiticus, na ginawa pagkalipas pa ng mga 150 taon.—Tingnan sa Glosari, “Codex Sinaiticus.”
Credit Line:
Copyright of the University of Manchester
Kaugnay na (mga) Teksto: