Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 3/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Natulungan sa Herpes
  • Mga Droga at Alcohol
  • Proyekto sa Paaralan
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1986
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1985
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 3/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Natulungan sa Herpes

Ibig naming mag-ának na magpasalamat sa inyo para sa artikulong “Natatanaw Na ba ang Wakas ng Sakit?” edisyong Pranses (Tagalog, Pebrero 22, 1984) Noong araw na dalhin namin sa ospital ang aming isang-taóng-gulang na sanggol dahil sa isang malubhang impeksiyon sa mata, ang inyong magasin ay dinala sa amin ng kartero at dinala na rin namin iyon. Anong tuwa namin nang mabasa namin ang impormasyon sa herpes type I nang marikonisi siya at iyon pala ang kaniyang sakit! Agad naming hinugasan ang kaniyang mata ng solusyon ng maligamgam na tubig at Epsom salts, ayon sa tagubilin ng artikulo. (Pahina 9) Hindi natapos ang dalawang araw at umurong ang pamamaga at lumabas ang maraming lason na nasa loob. Nang gawin sa kaniya ang checkup ang hepe ng mga tauhan ng departamento ay nagpahayag na ito raw ang pinakamagaling na dapat gawin. Kung hindi sa inyong mainam na tagubilin, tiyak na baka nagkaroon iyon ng malulubhang komplikasyon.

R. B., Canada

Mga Droga at Alcohol

Ako’y isang ritiradong hukom at ibig kong ipaalam sa inyo na nakatulong nang malaki sa akin ang magasin ninyo nang ginagampanan ko ang aking propesyon. Sa isang kasong kriminal na may kinalaman sa pagbibili at paggamit ng mga droga, ako’y lubhang natulungan ng mga katibayang iniharap ng inyong magasin nang maggawad ako ng desisyon, kaya’t naigawad ko ang sentensiya sa tagapagbili ng droga at naipasok siya sa pagamutan. Natulungan din ako ng mga magasin sa paghahanda ng isang talumpati sa harap ng Alcoholics Anonymous sa aming siyudad bilang bahagi ng kampanya sa pagtulong na mapagaling ang mga alkoholiko. Marami pong salamat.

J. A., Brazil

Proyekto sa Paaralan

Sa huling taon ng aking pag-aaral sa accounting, pinatalastasan ako na dahil daw sa aking mabababang marka, kailangan na makakuha ako ng marka na hindi bababa sa 90 sa pagsasaliksik sa paksa tungkol sa pandaigdig na krisis sa ekonomiya kung ibig kong ako’y makapagtapos. Minabuti kong pagbatayan ng aking pagsasaliksik ang serye ng mga artikulo sa “Ang Kabuhayan ng Daigdig​—Saan ba Patungo?” (Oktubre 22, 1983) Tuwang-tuwa ako at takang-taka nang purihing mabuti ng propesor ang aking pagsasaliksik. Hindi raw naaayon sa patakaran na magbigay ng perpektong marka, kaya’t sa 10 ay bibigyan niya ako ng 9.8​—na sapat-sapat upang ako’y makapagtapos!

P. R., Brazil

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share