Pagkaliliit na Binhi, Dambuhalang mga Punungkahoy
Ang pinakamalaki (subalit hindi ang pinakamataas) na mga punungkahoy sa daigdig ay ang pagkalaki-laking mga sequoia. Ang katamtamang taas ng mas matandang mga punong sequoia ay halos 250 piye.a Ang pinakamalaki sa mga ito, ang General Sherman, ang General Grant, at ang Boole Tree ay nasa o malapit sa mga pambansang parke ng Sequoia at Kings Canyon sa California, E.U.A. Ang mga ito ay mula 27 hanggang 30 piye ang kapal sa 4 na piye mula sa lupa.
Kapansin-pansin din ang bagay na ito, gaya ng binanggit ng publikasyong Discovering Sierra Trees, ni Stephen F. Arno: Ang puno ng General Sherman ay 17 piye sa diyametro sa taas na 120 piye mula sa lupa! Ang punong ito ay 272 piye ang taas, at ang unang malaking sanga ay napakataas anupa’t umaabot ng mahigit sa 12-palapag na tanggapang gusali. Ang sangang ito ay 7 piye ang kapal at 125 piye ang haba.
Gayunman ang binhi ng sequoia ay pagkaliit-liit anupa’t nangangailangan ng 91,000 nito upang tuminbang ng isang libra! Ihambing iyan sa karaniwang puno na Digger pine na maaaring umabot sa taas na 60 piye lamang at diyametro na 2 piye at gayunman nangangailangan lamang ito ng 750 ng mga binhi nito upang tuminbang ng isang libra.
[Talababa]
a Isang piye = 0.305 metro.