Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 1/22 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkawasak ng Bagyo
  • Karahasan sa Soccer
  • Tagumpay ng Takip-Pangkaligtasan
  • Kasiyahan sa Trabaho
  • Bagong Kasunduan
  • Hindi Kilalang mga Reseta
  • Pinakamaraming Pagnanakaw ng Kotse
  • Pagmemenos-Gastos
  • Mga Bata at mga Bitamina
  • Pag-aasawa ng mga Bata
  • Koryente Mula sa Dumi sa Imburnal
  • Seminar sa Pagtanda
  • Baligtad na Pagkilos
  • Kirot na Dala ng Emosyon
  • Dumami ang Krimen
  • World Cup Soccer—Isport o Digmaan?
    Gumising!—1991
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1994
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1997
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1991
Gumising!—1986
g86 1/22 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Pagkawasak ng Bagyo

Noong Mayo 24 niwasak ng isang bagyo ang mga kapatagan sa timog-silangan ng Bangladesh. Ang presidente ng bansa, si Tenyente Heneral H. M. Ershad, ay nagsabi na naniniwala siyang hindi kukulangin sa 5,000 katao ang namatay sa bagyo. (Ang mga tantiya nang dakong huli ay naglagay sa bilang ng mga namatay na 10,000.) Hinampas ng bagyo ang mga tubig sa dagat sa taas na 10 hanggang 15 piye (3 hanggang 5 m) at tinangay ang maliliit na isla na nasa Bay of Bengal. Sa bilis ng hangin na 100-milya-por-ora (160 km/hr), ang mga alon ay nag-iwan ng kapahamakan sa tao, hayop, at lupain.

Karahasan sa Soccer

Ang Brussels, ang magandang kabisera ng Belgium, ay naging tanawin ng pangit na pamiminsala at kamatayan nang salakayin ng Ingles na mga tagahanga sa soccer ang mga tagahangang Italyano. Samantalang walang magawang pinanonood ng angaw-angaw na mga nasindak na mga manonood sa telebisyon, 38 katao ang namatay at mahigit na 250 ang napinsala sa kaguluhan noong Mayo. “Ang gayong kakilabutan sa isang laro ng soccer ay hindi kailanman nakita sa kasaysayan ng Europa,” sabi ni Ruprecht Eser, ang brodkaster ng telebisyon sa channel Z.D.F. Ang kaguluhan ay nangyari bago magsimula ang pangwakas na laro ng soccer sa European Cup of Champions sa pagitan ng mga koponan mula sa Inglatera at Italya.

Ang resulta, ipinagbawal ng Football Association ng Inglatera ang anim nitong mga soccer club na kuwalipikado sa paligsahang Europeo sa paglahok sa Europa sa loob ng isang taon. Ang disisyon ay “nakasiya” kay Punong Ministro Margaret Thatcher na nagsabi: “Napakaraming tao ang namatay at napakarami ang napinsala bunga ng mga pagkilos ng ating mga mamamayan na nangangailangan ng mahigpit na mga hakbang.” Sinundan ito ng disisyon ng 34-bansang European Union of Football Associations na ipagbawal sa lahat ng panahon ang mga koponang Ingles mula sa paglalaro sa Europa.

Tagumpay ng Takip-Pangkaligtasan

Ang mga takip-pangkaligtasan sa mga bote ng gamot ay maaaring mahirap para sa mga adulto na alisin, subalit ang mga ito ay nagliligtas-buhay. Sang-ayon sa mga tantiya mula sa CDC (Centers for Disease Control) sa Atlanta, Georgia, ang mga pantakip ay nagligtas sa 86,000 mga bata sa Estados Unidos na di-sinasadyang malason sa pagitan ng 1974 at 1981. Gayunman, ang mga pagkalason ng mga bata ay patuloy na nagiging isang tunay na problema, sapagkat maraming adulto ang hindi wastong nagtatago ng mga lason o hindi alam kung ano ang gagawin kapag bumangon ang biglang pangangailangan. Mahigit na 110,000 mga bata na wala pang limang taóng gulang ang tumanggap ng paggagamot sa emergency-room noong 1983 dahilan sa pagkalason.

Kasiyahan sa Trabaho

Alin ang mas mahalaga sa kasiyahan sa trabaho​—salapi o kalayaan? Kung ang sagot mo ay kalayaan, ikaw ay tama, sang-ayon kay Dr. Jeylan T. Mortimer, propesor ng sosyolohiya sa University of Minnesota. Sa kaniyang report sa taunang miting ng American Association for the Advancement of Science, sinabi niya na “ang kalayaan sa trabaho”​—ang lawak kung saan ang mga empleado ay maaaring gumawa ng kanilang sariling mga disisyon at impluwensiyahan kung ano ang nangyayari sa trabaho​—ang nangunguna kaysa kita o suweldo bilang pangunahing pinagmumulan ng kasiyahan sa trabaho.

Bagong Kasunduan

Ang Romano Katoliko ay hindi na ang relihiyon ng estado sa Italya. Noong Hunyo 3, pinagtibay ng pamahalaang Italyano at ng Vatican ang isang makasaysayang bagong kasunduan na nagwawakas sa ilang mga karapatan na hawak ng Iglesya Katolika sa Italya. Hinalinhan nito ang 1929 Kasunduang Lateran na nilagdaan ni Benito Mussolini at ng kardinal na kalihim ng estado para sa papado, na kinikilala ang Lunsod ng Vaticano bilang isang independiyenteng estado at ang Romano Katoliko bilang ang tanging relihiyon ng estado. Pinananatili ng bagong kasunduan ang independiyenteng katayuan ng Vaticano subalit winawakasan ang katayuan ng Roma bilang “banal na lunsod,” gayundin ang pagwawakas sa sapilitang edukasyong Katoliko sa mga paaralang bayan. “Nagsisimula ngayon ang isang bagong yugto sa institusyunal na mga kaugnayan sa pagitan ng simbahan at ng estado sa Italya,” sabi ni Papa John Paul II.

Hindi Kilalang mga Reseta

Humigit-kumulang pito sa sampung mga reseta na inirireseta sa Texas ay may nakakatulad na hindi kilalang mga gamot kung saan ang mga mamimili ay makapagtitipid ng hanggang 40 porsiyento. Gayunman, ang mga pagtitipid na ito ay natatakdaan dahilan sa kakulangan ng kabatiran sa bahagi ng mga manggagamot, mga parmaseutika, at ng mga mamimili, sang-ayon sa isang pag-aaral kamakailan na isinagawa sa University of Texas sa Austin ni Dr. Marvin D. Shepherd. “Marahil ay walang kabatiran ang mga mamimili kung ano ang matitipid nila mula sa mga kahaliling hindi kilalang mga gamot,” sabi ni Shepherd. “Sa aming pag-aaral natuklasan namin na ang katamtamang halaga ng kilalang produkto na inirireseta ay mga $12. Kung ang di-kilalang gamot ang gagamitin, nasumpungan namin ang presyo ay mga $7.50.”

Pinakamaraming Pagnanakaw ng Kotse

Ang Britaniya ang nangunguna sa Europa sa mga pagnanakaw ng kotse, sang-ayon sa Federation Internationale de l’Automobile, isang organisasyon ng mga kotse sa Paris. Noong nakaraang taon, sa bawat 10,000 mga kotseng nakarehistro sa Britaniya, 22 ang ninakaw. Ang Pransiya ang pumangalawa na may 13 mga kotseng ninakaw sa bawat 10,000 nakarehistro, susunod ang Sweden na 12, ang Espanya na 11, ang Italya na 6, Belgium na 4, at Federal Republic of Germany na 3.5. Noong nakaraang taon 9 na kotse ang ninakaw sa bawat 10,000 nakarehistro sa Estados Unidos. Tinatawag ng Scotland Yard ang kausuhang ito ng pagnanakaw ng kotse na “napakaselan.”

Pagmemenos-Gastos

“Pinupunô ng mga Amerikano ng lahat ng gulang ang kanilang mga silid-tulugan at mga silong ng mga bisikletang nakapirme, mga rowing machine, treadmills at iba pang mamahaling mga kagamitan na nangangakong mag-aalis ng mga luyloy na laman at palakihin ang mga kalamnan o masel,” ulat ng The Wall Street Journal. “Ang sinaunang paraan: Ang pagtakbo, paglangoy​—pati na ang paghahalaman​—ay magsusunog ng kasindaming calorie na gaya ng nagagawa ng makina,” sabi ng Journal, “at hindi pa magastos.” Ang regular na ehersisyo ay maaari ring maging mas ligtas. Ang mga pinsala mula sa mga kagamitan na hindi mabuti ang pagkakagawa, maling gamit, o di-sapat na napapangasiwaan ay lubhang dumami noong nakaraang mga taon.

Mga Bata at mga Bitamina

Ang karaniwang magulang ay malamang na maniwala na “ang mga bitamina ay isang ligtas at madaling paraan upang bigyan ang mga bata ng ‘nutrisyunal na kasiguruhan.’” Gayunman, ipinakikita ng isang pag-aaral na inilathala sa Canadian Medical Association Journal na “ang labis na dosis ng maraming bitamina ay maaaring higit na isang panganib sa bata kaysa nutrisyunal na mga suliranin na dapat hadlangan nito,” sabi ng pahatid-balita ng Canadian Press. Ipinakikita ng pag-aaral na ang maling ideya ng mga magulang tungkol sa halaga ng mga bitamina ang pangunahing dahilan ng labis na dosis. Isang karaniwang pagkakamali na isipin na kung ang isang bagay ay nakabubuti sa iyo, ang marami nito ay lalong mabuti.

Pag-aasawa ng mga Bata

Bagaman ipinagbawal ng batas mula noong 1929, ang gawain na pag-aasawa ng mga bata ay nagpapatuloy sa India. Ipinakikita ng isang surbey kamakailan na halos 13 porsiyento ng mga babae sa mga lalawigan ang nag-aasawa sa pagitan ng edad na 10 at 14. Sang-ayon sa tradisyon, ang mga Hindu ay naniniwala na ang Araw ng Akha Teej ang pinakamabuting panahon sa pag-aasawa. Ang The Times of India ay nag-uulat na kasindami ng 40,000 mga batang nobya at nobyo ang pinag-isa sa pag-aasawa nang araw na iyon sa estado ng Rajasthan. Kabilang sa mga ikinasal ang hindi pa isinisilang, na ang sekso ay sinasabing tiniyak ng mga astrologo.

Koryente Mula sa Dumi sa Imburnal

Ang dumi sa imburnal (sewage) ng kalahating milyong mga tao sa dako ng Greater Bristol ng Inglatera ay pinakikinabangan. Araw-araw ang lokal na planta ng Avonmouth ay umaani ng 530,000 piye kubikó (15,000 cu m) ng gas mula sa dumi sa imburnal. Pagkatapos, ang gas ang nagpapaandar sa mga makina na lumilikha ng koryente. Inuulat ng The Times ng London na mahigit ng kaunti sa sangkapat ng nagagawang gas araw-araw mula sa planta ay tutulong na lumikha ng koryente na tutustos sa lahat ng pangangailangan ng isang maliit na nayon. Pinatatakbo rin ng methane mula sa planta ng dumi sa imburnal ang 12 mga sasakyan ng awtoridad sa tubig na binago upang patakbuhin ng gas.

Seminar sa Pagtanda

Ang sanhi ng pagtanda ang naging paksa ng pag-uusap sa isang internasyonal na kombensiyon na ginanap kamakailan sa Roma, Italya. Ang molekular na mga biyologo, pisyologo, biyokemikó, at mga pisyopatologo mula sa Italya at Israel ay nagtipon. Ang La Repubblica, na nag-uulat tungkol sa seminar, ay nagsabi na “maraming mananaliksik, sa buong daigdig, ang kumbinsido na ang batayan sa pamamaraan na tinatawag nating pagtanda ay masusumpungan sa pamamagitan ng pag-aaral sa selula.” Natatalos ang kakayahan na magbago ng mga selula ng katawan ng tao, ang ibang mga mananaliksik ay naghinuha na “kung selula ang pag-uusapan, tayo ay idinisenyo na mabuhay nang mas mahaba kaysa ating inaakala.”

Baligtad na Pagkilos

Ang asin ang unti-unting kumakain sa mga baras na bakal na inilagay sa kongkreto ng nakataas na mga tulay at mga kalsada, pinalalaki ang mga baras na bakal, nabibitak ang kongkreto, o pinapangyari pa ngang mahulog ang mga tipak. Sang-ayon sa magasing New Scientist, pinangyayari ng asin ang isang electrolytic cell na pagkilos na unti-unting kumakain sa bakal. Ang solusyon, sabi ng mga mananaliksik sa Queens University sa Kingston, Ontario, ay baligtarin ang electrolytic cell na pagkilos sa pamamagitan ng paggamit ng koryente. Ang mga motorista ay hindi nanganganib yamang apat na boltahe lamang ang kinakailangan. Sa Hilagang Amerika halos isang daang mga tulay ang ginamot na. Ang bagong mga konstruksiyon ay iniingatan sa pamamagitan ng pagpapahid sa mga baras na bakal ng pinturang epoxy.

Kirot na Dala ng Emosyon

Ang paggamot sa kirot na dala ng emosyon bilang isang pisikal na karamdaman, sabi ng Olandes na doktor na si Wouter Oosterhuis, ay maaaring magbunga ng hindi magagamot at talamak na mga pasyente. Pinag-aaralan ang kaso ng 500 mga pasyente na ang pisikal na sanhi ng kanilang kirot at hindi matuklasan, nasumpungan ni Dr. Oosterhuis ang lubos na kaugnayan sa pagitan ng emosyonal ng mga problema sa dako ng kirot. Gaya ng iniulat sa Sunday Times ng London,halos lahat niyaong mga nakadarama ng mga damdamin ng pananalakay ay nakakaranas ng mga kirot sa leeg. Yaong mga natatakot ay nagrireklamo ng mga kirot sa sikmura. At ang kirot sa likod​—sa itaas ng kaunti ng upuan​—ang reklamo ng karamihan na walang pag-asa. Ang sikolohikal na suporta at tulong sa paglutas ng kanilang mga problema ay kinakailangan, sabi ng doktor.

Dumami ang Krimen

Ang Canadian Banker, sa isang ulat tungkol sa “armadong pagnanakaw sa Hilagang Amerika,” ay nagsasabi: “Gaano man natin ito tantiyahin, pinatutunayan ng mga estadistika na ang krimen ay lubhang dumami sa nakalipas na mga taon.” Mula noong 1962 hanggang 1980, ang dami ng mga pagnanakaw sa bawat 100,000 mamamayan ay apat na ibayo sa Canada at sa Estados Unidos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share