Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 5/8 p. 16-17
  • Ang Pagbibigay ng Ikapu—Kinakailangan Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagbibigay ng Ikapu—Kinakailangan Ba?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagbibigay ng Ikapu at ang Kautusan ni Moises
  • Isang Pagbabago ng Kautusan
  • Ang Kristiyanong Paraan ng Pagbibigay
  • Ikapu
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagbibigay ng Ikapu?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Nagbibigay ba ng Ikapu ang mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Papaano Tayo Makagaganti kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 5/8 p. 16-17

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang Pagbibigay ng Ikapu​—Kinakailangan Ba?

ANG kalihim ng isang Anglicanong diosesis sa Timog Aprika ay nababahala. Ang kaniyang simbahan ay nasa isang pinansiyal na krisis na gumagawa ritong mahirap na bayaran ang mga ministro. Ang kaniyang solusyon: Idiin sa mga tagaparokya ang pagbibigay ng ikapu.

Subalit ano nga ba ang pagbibigay ng ikapu? Sabi ng iba ito ay ang pagbibigay para sa mga layuning relihiyoso ng “isang ika-10 bahagi ng lahat ng tinatanggap mo.” Bagaman ang paraan ng pagkalkula ng pagbibigay ng ikapu ay iba-iba sa iba’t ibang relihiyon, nadarama ng maraming ministro ang pangangailangan na itaguyod ang pagbibigay ng ikapu. “Sayang nga lamang at hindi natin naidiin nang higit ang tungkol sa pagbibigay ng ikapu,” sabi ng isang paring Katoliko sa Aprika. Ang Worldwide Church of God, sa isang artikulo sa magasin tungkol sa kung paano iiwasan ang karalitaan sa pamamagitan ng pagiging kasama ng Diyos, ay nagsabi: “Upang pasimulan ang iyong kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang sundin ang kautusan ng Diyos na pagbibigay ng ikapu.” Binanggit pa ng artikulo na yaong mga hindi nagbibigay ng ikapu “ay nagnanakaw sa Diyos.”

Subalit hinihilingan ka ba ng Diyos na magbigay ng ikapu? Maaaring makagulat sa iyo na malaman kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito.

Ang Pagbibigay ng Ikapu at ang Kautusan ni Moises

Ang pagbibigay ng ikapu ay bahagi ng isang kalipunan ng mga kautusan na ibinigay ng Diyos sa sinaunang bansang Israel sa pamamagitan ni Moises. Ang labindalawang tribo ng Israel ay hinilingan ng kautusan na itaguyod ang ika-13 tribo, ang mga makasaserdoteng Levita, na walang manang lupa. Ito ay nagpangyari sa mga Levita na ituon ang kanilang isip sa espirituwal na mga pangangailangan ng bansa. (Bilang 18:21-24) Dahilan sa sila ay isang bayan ng mga magsasaka, ang mga Israelita ay hindi hiniling na magbayad ng ikapu nang kash. Bagkus, ito ay manggagaling sa bunga ng lupa at sa pagdami ng mga alagang hayop. Kung ang ikapung bahagi ng ani ay ibibigay at nais ng isang Israelita na magbigay sa halip ng salapi, kung gayon kailangan niyang magbayad ng 20 porsiyentong higit kaysa halaga ng ani.​—Levitico 27:30-33.

Ang kautusan ng Diyos tungkol sa pagbibigay ng ikapu ay isang maselang na bagay. Kung ang isang Israelita ay magkamaling gamitin para sa kaniyang sarili ang ilan sa kung ano ang dapat mauwi sa ikapu, kung gayon kailangan niyang iwasto ito. Papaano? Sa pagbibigay ng ekstrang 20 porsiyento at paghahandog ng isang haing hayop para sa kaniyang kasalanan. (Levitico 5:14-16) Bagaman hindi lahat ng Israelita ay maaaring makibahagi sa pagkasaserdote, ang lahat ay maaaring makibahagi sa pagtataguyod sa makasaserdoteng paglilingkod sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikapu. Lahat ng ito ay kasama sa kautusan ng Diyos tungkol sa pagbibigay ng ikapu. Samakatuwid, angkop ito sa mga kalagayan ng sinaunang bayan. Subalit angkop ba ito sa mga kalagayan ng tao ngayon? Higit na mahalaga, ang mga Kristiyano ba ay pinag-uutusang magbigay ng ikapu?

Isang Pagbabago ng Kautusan

Mga ilang taon pagkatapos buhaying-muli si Jesus, ang di-tuling mga Gentil ay nakumberte sa Kristiyanismo. “Kinakailangang sila’y tuliin at sa kanila’y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises,” sabi ng ibang mga Kristiyanong Judio. (Gawa 15:5) Ang iba ay hindi sumang-ayon. Kaya ang mga apostol ni Jesus at iba pang may karanasang Kristiyano ay nagtipon sa Jerusalem upang pag-usapan ang isyu. Nais nilang malaman kung ano ang kalooban ng Diyos. Hinihiling ba niya na sundin ng mga tagasunod ni Jesus ang Kautusan ni Moises, kung saan kasama ang pagbibigay ng ikapu? Ang mga karanasan ay inilahad na nagpapakita ng isang pagbabago sa pakikitungo ng Diyos sa mga Gentil, at ito ay pinatunayan mismo ng makahulang Salita ng Diyos. (Gawa 15:6-21) Ano ang pasiya?

Ang miting ay sumapit sa isang konklusyon. Ang mga Kristiyano ay hindi na dapat pabigatan ng mga Kautusan ni Moises. Gayunman, may mga ilang “bagay na kinakailangan” na dapat sundin. Isa ba rito ang pagbibigay ng ikapu? Ang kinasihang pasiya ay kababasahan: “Ang banal na espiritu at kami na rin ay sumasang-ayong huwag nang dagdagan pa ang pasanin ninyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na patuloy na layuan ninyo ang mga bagay na inihain sa mga idolo at ang dugo at ang mga binigti at ang pakikiapid.” (Gawa 15:25, 28, 29) Kapuna-puna, ang batas ng Diyos tungkol sa pagbibigay ng ikapu ay hindi itinala na kabilang sa “mga bagay na kinakailangan” para sa mga Kristiyano.

Nang dakong huli, ipinaliwanag ni apostol Pablo na ang tipang Kautusan ng Diyos sa Israel ay pinawi ng kamatayan ni Jesus. “Pinawi [ng Diyos] ang nasusulat na palatuntunan,” sabi niya, “at kaniyang inalis na ipinako sa tulos ng pahirapan.” (Colosas 2:14) Hindi ito nangangahulugan na ang mga Kristiyano ay walang kautusan. Bagkus, may pagbabago ng kautusan na ngayo’y nagsasangkot “sa kautusan ni Kristo.”​—Galacia 6:2; Hebreo 7:12.

Si apostol Pablo ay namuhay na kasuwato ng pagbabagong ito ng kautusan. Bagaman nagpapagal sa pagtatatag ng mga kongregasyon, hindi siya kailanman humiling ng kabayaran sa anyo ng pagbabayad ng ikapu. Bagkus, handa siyang pagtakpan ang kaniyang mga pagkakagastos sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang isang bahaging-panahong tagagawa ng tolda. (Gawa 18:3, 4) Buong katapatang masasabi niya: “Ang mga kamay na ito ay naglingkod sa mga pangangailangan ko at sa aking mga kasamahan.”​—Gawa 20:34.

Kaya, anong giya mayroon ang mga Kristiyano hinggil sa bagay na pagbibigay? Gaano ang dapat mong ibigay?

Ang Kristiyanong Paraan ng Pagbibigay

Si Jesu-Kristo ang pinakabukas-palad na taong lumakad sa lupang ito. Ang kaniyang halimbawa ay nakaimpluwensiya sa marami na maging bukas-palad. “Ugaliin ninyo ang pagbibigay,” sabi niya, “at kayo’y bibigyan ng mga tao. Takal na mabuti, pikpik, liglig at umaapaw ang ibubuhos nila sa inyong kandungan. Sapagkat sa panukat na inyong isusukat ay doon din naman kayo susukatin.” (Lucas 6:38) Mayroon bang mga restriksiyon dito? Wala. Ang mga Kristiyano ay pinalalakas-loob na magbigay nang sagana, na maaaring higit pa kaysa ikapu kung kaya nila ito.​—Lucas 18:22; Gawa 20:35.

Sa kabilang dako, ang isang Kristiyano ay maaaring biglang mapaharap sa ilang apurahang pagkakagastos, marahil dahilan sa isang aksidente o karamdaman. Ang magbigay ng ikapu ng kaniyang sahod sa ilalim ng gayong mga kalagayan ay maaaring magkait sa mga membro ng kaniyang pamilya ng mga pangangailangan sa buhay. Iyan ay magiging hindi maka-Kristiyano.​—Mateo 15:5-9; 1 Timoteo 5:8.

Ang Kristiyanong pagbibigay ay kusang-loob. Isinasaalang-alang nito ang bawat indibiduwal na may iba’t ibang kalagayan sa buhay. “Kung mayroon na munang pagkukusa,” sabi ng Bibliya, “iyon ay lalo ng tinatanggap ayon sa kung ano mayroon ang isang tao, hindi ayon sa kung ano ang wala ang isang tao.”​—2 Corinto 8:12.

Magkano, kung gayon, ang dapat mong ibigay? Iyan ay isang katanungan na ikaw ang dapat magpasiya sa iyong sarili. Ang laki ng pagpapahalaga mo sa iyong puso sa Diyos​—hindi ang ilang itinakdang pagbibigay ng ikapu​—ang magpapasiya kung magkano ang iyong ibibigay. Gaya ng payo ng Bibliya: “Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso, huwag mabigat sa loob o parang pinipilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.” (2 Corinto 9:7) Ang pagbibigay ng ikapu ay isang probisyon ng Mosaikong tipang Kautusan upang itaguyod ang templo at pagkasaserdote ng Israel. Para sa mga Kristiyano ngayon, ito ay hindi na ipinag-uutos ni kinakailangan man.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share