Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 7/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kumakalat ang AIDS
  • Nanganganib ang Pag-iral ng Condor
  • Maliit na Bansa, Malaking Problema
  • Mabigat na mga Graniso
  • Sinirang Anibersaryo
  • Bagong Ilaw ng Preno
  • Bagong Disenyo na Kinakailangan
  • ‘Hindi Dako para sa Maysakit’
  • Mga Inang Tin-edyer
  • Gatas para sa mga Buto
  • ‘Epidemyang Pagdadalang-tao ng mga Tin-edyer’
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • Mga Tagapagdala ng AIDS—Ilan ang Maaaring Mamatay?
    Gumising!—1988
  • AIDS—Ako ba’y Nanganganib?
    Gumising!—1993
  • AIDS—Isang Krisis sa mga Tinedyer
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 7/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Kumakalat ang AIDS

“Ang mga pamayanan sa ibayo ng bansa ay nag-aalala na ang acquired-immune-deficiency syndrome ay maaaring mas mabilis na kumalat kaysa inaakala ngayon ng mga awtoridad sa medisina,” sabi ng U.S.News & World Report. “Ang mga kaso ay dumudoble sa bawat 12 buwan, at ipinalalagay ng mga eksperto na mahigit sa isang milyon katao ang nalantad na virus ng AIDS.” Bagaman ang karamihan sa mga ito ay hindi nagkaroon ng nakamamatay na anyo ng karamdaman, maaari nilang ipasa ang impeksiyon sa iba. Ipinakikita rin ng bagong pananaliksik na ang karagdagang pagkalantad sa virus ng AIDS, o marahil pati na sa iba pang mga virus, ay maaaring ganap na magpalitaw sa karamdaman sa gayong mga tao. Maraming may virus ng AIDS ang hindi man lamang nalalaman ito, yamang ang mga sintomas ay maaaring hindi lumitaw hanggang lima o anim na taon pagkaraang mahantad dito. Mahigit 7,000 mga biktima ng AIDS ang namatay na sa Estados Unidos. Ang sakit ay kumakalat sa pamamagitan ng pagtatalik, mga pagsasalin ng dugo, at paggamit ng iisang karayom ng iniksiyon sa mga gumagamit ng droga. Ang mga anak ay maaari ring isilang na mayroon nito kung ang ina ay isang tagapagdala.

Ang nakamamatay na katangian ng AIDS ay naglagay sa dating lubhang kinatatakutang genital herpes sa likuran at nagbunga ng walang katulad na mga aksiyon. Hinimok ng alkalde ng San Antonio, Texas, ang mga biktima ng AIDS na “lampasan ang kanilang indibiduwal na mga karapatan,” samantalang ang Kagawaran ng Kalusugan sa Lunsod ay nagbabala sa kanila na ang pagsasagawa ng seksuwal na gawain o pagbibigay ng dugo ay maaaring magbunga ng kriminal na mga pagsasakdal. Itinigil na ng ibang mga simbahan ang kanilang ugali na paggamit ng isang kumon na kopang pangkumonyon. Sinusuri na ngayon ng mga paglilingkod militar ng E.U. ang lahat ng mga bagong kawal kung ang mga ito ay may AIDS. Ang mga paaralang tumatanggap sa mga batang may sakit na AIDS ay binoykoteo ng nababahalang mga magulang. At nang mabalitang ang kamatayan ng aktor na si Rock Hudson ay dahilan sa AIDS, hinihiling ngayon ng Screen Actors Guild na ang mga magtatanghal ay bigyan ng patiunang notisya ng anumang mga eksena na humihiling ng bibigang paghahalikan.

Nanganganib ang Pag-iral ng Condor

Ang condor, isa sa pinakamalaking ibon na katutubo sa Hilagang Amerika, ay ipinagmamalaki ang pakpak na sumusukat ng hanggang 10 piye (3 m) at maaaring tumimbang ng mga 22 libra (10 kg). Gayunman, kamakailan, pito lamang ang nakitang umaaligid sa kanilang pinamamahayan sa California. Sang-ayon sa magasing Science, ang kanilang populasyon ay bumaba mula 40 mga ibon noong 1967 tungo sa 15 noong 1984. Anim pa ang namatay sa pagitan ng Nobyembre 1984 at Abril 1985. Bagaman 20 sa mga ibon ang nasa pagkabihag, ang kanilang patuloy na pag-iral bilang isang uri ng ibon ay isinasaalang-alang. Ang mga condor ay dumarating sa panahon ng pagpaparami sa gulang na anim o pitong taon at karaniwan nang nangingitlog ng isa lamang itlog sa bawat dalawang taon. Ang mabagal na pagpaparaming ito at ang pakikialam ng tao sa pinamumuhayan ng condor, pati na ang paglason ng pagkain dahilan sa tingga at iba pang mga nakalalasong bagay, ay lumilikha ng malaking banta sa kanilang pag-iral.

Maliit na Bansa, Malaking Problema

Ang bansang Belize ay may populasyon na wala pang 160,000, gayunman, gaya ng iniulat sa The New York Times, sinasabing ito “ang pinakamahalagang sentro ng ilegal na pagbibili ng mga narkotiko sa Sentral Amerika at ikaapat sa pinakamalaking tagapagtustos ng marijuana sa Estados Unidos, kasunod ng Colombia, Mexico at Jamaica.” Halos 85 porsiyento ng ani ay nakakarating sa Estados Unidos taun-taon sa kabila ng mga pag-aresto, pagtatangka na lipulin ito, at mga pagsisikap na turuan ang publiko tungkol sa mga panganib ng ilegal na pagbibili ng marijuana. “Kung ipahihintulot natin na ito ay magpatuloy, maaaring maiwala natin ang ating Gobyerno​—ang ating kalayaan,” sabi ng Punong Ministro Manuel Esquivel.

Mabigat na mga Graniso

Isang kakatuwang pag-ulan ng yelo, napakalakas anupa’t ito’y nag-iwan ng sandaan-piye-haba (30 m) na malapad na tipak ng yelo o graniso na 5 piye (1.5 m) ang kapal sa isang kalye, ang tumama sa isang bayan sa Brazil noong huling araw ng Setyembre 1985. Mga granisong tumitimbang ng halos dalawang libra (1 kg) ang tumama sa bayan ng Itabirinha de Mantena, mga 300 milya (500 km) sa hilaga ng Rio de Janeiro, at tinakpan ang mga kalye ng mga piraso ng yelo. Tumagal lamang ng 15 minuto, ang malakas na ulan ay pumatay ng mahigit 20 katao, pininsala ang 300, at iniwang walang tirahan ang 4,000 sa 10,000 mga mamamayan ng bayan. Mahigit 900 mga bahay ang nawalan ng bubong, samantalang 50 ang lubusang nasira. Nagkaroon pa ng ibang pinsala nang ang mga ilog, na barado ng yelo ay umapaw. Inilarawan ni Alkalde Clovis D. de Castro ang kalamidad na ‘pinakamalubhang sakuna sa rekord ng rehiyon hindi pa natatagalan.’

Sinirang Anibersaryo

Ang pagtatapos ng ika-40 anibersaryong pagdiriwang ng UN ay tinandaan ng kabiguan nang ang mga membrong bansa ay hindi magkasundo tungkol sa deklarasyon ng layunin. Mahigit 200 dumadalaw na mga dignitaryo ang bumigkas ng mahigit isang milyong mga salita sa panahon ng anim-linggong sesyon ng General Assembly, nang walang nilulutas na anumang salungatan ng mga kuru-kuro o pagsang-ayon sa kung ano ang “Deklarasyon sa Okasyon ng ika-40 Anibersaryo.” Bakit? “Ginamit ng maraming bansa ang deklarasyon bilang isang ehersisyo sa paggawa ng puntos,” sabi ng delegadong Amerikano na si Harvey Feldman. “Ang mga miting ay sinira ng Silangan-Kanluran at Hilaga-Timog na mga kaigtingan at, lalo na, ng mga suliranin sa Gitnang Silangan.” Ganito ito sinuma ng punong ministro ng India, si Rajiv Gandhi, na ang sabi: “Ang ilang mga bansa ay ayaw gumawang magkakasama upang magkaroon ng resulta na tinatanggap ng lahat.”

Ipinapahayag ang pagkabahala ng maraming mga lider ng daigdig, ang Ministrong Panlabas Shah Mohammad Dost ng Afghanistan ay nagsabi: “Nakapanghihinayang na ating ipinagdiriwang ang ika-40 anibersaryo ng pagkatatag ng organisasyong ito samantalang . . . ang daigdig ay mapanganib na gumigiray-giray sa bingit ng isang nuklear na kapahamakan, na nagsasapanganib hindi lamang sa buong kabihasnan kundi sa pag-iral mismo ng anumang anyo ng buhay sa lupa. Malayung-malayo ito sa mga pangarap at mga mithiin ng mga awtor at mga lumagda sa Charter ng United Nations.” Gayunman, winakasan ng General Assembly ang kanilang sesyon sa pagdideklara sa 1986 bilang ang Internasyonal na “Taon ng Kapayapaan.”

Bagong Ilaw ng Preno

Isang ilaw ng preno (brake light) sa kotse, na kapantay ng mata sa likurang salamin ng sasakyan, ay sinasabing mas madaling makita kaysa yaong nasa mas mababang lugar. Kung gagamiting kasama ng pamantayang mga ilaw ng preno, sinasabing mababawasan nito ang mga bungguan sa gawing likuran ng mga 53 porsiyento. Ang bagong ilaw ay hihilingin sa lahat ng 1986 na mga kotse sa Estados Unidos. Ito ay mabibili sa mababang halaga at ikakabit sa mas lumang mga kotse. “Tinataya ng National Highway Traffic Safety Administration na ang mga mamimili ay makapagtitipid ng $394 milyong taun-taon sa mga pagkabunggo sa likod,” sabi ng magasing Prevention.

Bagong Disenyo na Kinakailangan

“Ang mga seat belt ay dapat na idisenyong-muli upang maiwasan ang pagtama ng ulo ng mga tsuper sa manibela, at upang iwasan ang mga pinsala sa buto sa dibdib, sa sikmura sa mas mababang gulugod,” sabi ng The Times ng London. Sinuri ng pag-aaral na itinataguyod ng gobyerno, na isinagawa sa 15 mga ospital, ang mga pinsala na tinanggap ng 14,000 katao noong taon bago at pagkatapos ipatupad ang batas tungkol sa sapilitang paggamit ng seat belt. Sa pangkalahatan, nabawasan ang mga kamatayan at mga pinsala. Subalit bagaman ang bilang ng mga pinsala ay bumaba ng 20 porsiyento sa mga tsuper at 24 porsiyento sa pasaherong nasa unahan, ang katamtamang katindihan ng mga pinsala ay hindi nabawasan. Nagkaroon ng paglipat sa mga lugar na napinsala. Ang mga pinsala sa dibdib, leeg, at sikmura ay dumami, samantalang ang mga pinsala sa bato at mga paa o braso ay nabawasan. Ang mga pagkabasag ng bao ng ulo ay lubhang bumaba sa mga pasaherong nasa unahan subalit dumami sa gitna ng mga tsuper. Kaya, ang pangangailangan upang idisenyong-muli ang seat belt.

‘Hindi Dako para sa Maysakit’

Isang nakagugulat na malaking bilang ng mga pasyenteng naospital ang nagkaroon ng mga impeksiyon na walang kaugnayan sa mga karamdaman na dahil doon sila ay naospital. Tinataya ng isang report na inilathala kamakailan sa labas ng Discover na dalawang milyong Amerikano ang nagkaroon ng mga impeksiyon sa panahon ng kanilang pamamalagi, na nagdaragdag sa halaga ng paggagamot ng hanggang $2 bilyong sa bawat taon. Sa katamtaman, ang gayong mga karamdaman ay nakadaragdag ng apat na araw sa pamamalagi ng isang pasyente sa ospital, at karagdagang halaga na $800. Mga 300,000 pasyente ang namamatay taun-taon mula sa gayong mga impeksiyon. Gayunman hindi pa kasali riyan ang ibang mga sakuna, gaya ng mga pagkakamali sa ibinibigay na anestisya at mga pagkakamali sa paggagamot, na nakakaapekto sa angaw-angaw na iba pang mga pasyente taun-taon. Sabi ni Dr. Lowell Levin, propesor ng kalusugang pangmadla sa Yale University: “Parang isang biro, subalit ang ospital ay hindi dako para sa maysakit.”

Mga Inang Tin-edyer

Ang kahandalapakan ng mga bata na nagbunga ng pagkadisgrasya “ang pinakamabigat na isyu sa ating lipunan sa kasalukuyan,” sabi ni Dr. Charl Roux, pinuno ng pagpaplano ng pamilya sa departamento ng gynecology sa Ospital ng Tygerberg sa Cape Town. Noong 1984, 20 porsiyento ng lahat ng mga panganganak na iniulat sa ospital na ito ay sa mga tin-edyer, dalawa sa kanila, sa edad na 19 anyos, ay siyam na beses nang nagdalang-tao. Sinabi ni Dr. Roux na dahilan sa hindi pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa mga katotohanan ng buhay at hindi pagbibigay ng mabuting halimbawa, ang mga may sapat na gulang ay may malaking pananagutan sa mga suliraning panlipunan na bunga nito. “Pananagutan ng mga magulang na pagyamanin ang isang kapaligiran na hahadlang sa posibilidad na ang bata ay magiging takot na takot o nahihiya na ipakipag-usap ang ganitong uri ng mga bagay sa kanila,” sabi niya.

Gatas para sa mga Buto

Ang pag-inom ng maraming gatas sa panahon ng kabataan ay waring nagpapalakas sa mga buto sa sukdulang antas, ulat ng Asiaweek. Ang gatas ay mayaman sa kalsiyum, at isang likas na tagapagpatibay ng buto. Ipinakita ng isang pag-aaral sa 255 mga babae sa pagitan ng edad na 49 at 66 na yaong mga malakas uminon ng gatas noong kanilang kabataan ay mayroong mas malaking mga buto. Ang gayong mga tuklas ay mahalaga para sa mga babae, yamang nakakaharap nila ang pinakamalaking panganib na magkaroon ng osteoporosis, na, dahilan sa bumabang produksiyon ng mga hormon sa sekso at pagtanda, ay lumiliit ang buto at maaaring pagmulan ng kusang mga pagkabali.

‘Epidemyang Pagdadalang-tao ng mga Tin-edyer’

“Ang pagdadalang-tao ng mga tin-edyer ay totoong malaganap sa buong daigdig,” sabi ng sikologong si Michael A. Carrera, propesor ng mga siyensiya sa kalusugan sa Hunter College sa New York, “anupa’t ang pagtatawag-pansin dito sa pagsasabing ito ay katamtaman lamang, ay dapat na magpakilos sa atin. Sa bilis na halos isang milyong pagdadalang-tao sa isang taon ng disgrasyadang mga tin-edyer, ang Estados Unidos ay nangunguna sa ibang maunlad na mga bansa nang malaking kalamangan. Sang-ayon kay Carrera, ang mga programa sa edukasyon sa sekso para sa mga tin-edyer ay napatunayang hindi mabisa sapagkat hindi nito isinaalang-alang ang kanilang relihiyoso, sosyal, at kultural na mga pagpapahalaga.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share