Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 10/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Panayam sa Trabaho
  • Paggamit ng mga Artikulo sa Paaralan
  • Ang Iglesya Katolika at si Maria
  • “Ang Walang Hanggang Pagkabirhen ni Maria”—Ang Epekto Nito
    Gumising!—1986
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Ang Pamilya ni Jesus—Sinu-sino Sila?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Siya ay Lubhang Kinalugdan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 10/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Panayam sa Trabaho

Maraming salamat sa paglalathala ng artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Kaya Ako Gagawi sa Isang Panayam sa Trabaho?” (Hulyo 8, 1983 sa Tagalog) Pagkatapos ko ng high school, ako ay gumawa ng maraming aplikasyon para sa trabaho. Tinawag ako ng isang kompaniya para sa isang panayam kung saan hindi ako nakagawa ng mabuting impresyon. Nang malaunan ako ay inanyayahan ng isa pang kompaniya para sa isang panayam. Nang panahong ito naalaala ko ang inyong artikulo at pinag-aralan ito nang husto. Ikinapit ko ang mga mungkahing ibinigay may kaugnayan sa patiunang pagpaplano, pagiging mahinahon, alisto, magalang, tapat at prangka. Nakagawa ako ng isang mabuting impresyon at tinanggap sa trabaho.

B. O., Nigeria

Paggamit ng mga Artikulo sa Paaralan

Nais kong sabihin sa inyo kung paano ko ginagamit ang inyong ekselenteng mga artikulo. Noong 1981 nakibahagi ako sa isang Science Fair kung saan itinanghal ko ang isang paksa na isinulat ko tungkol sa paninigarilyo, batay sa mga magasin. Mula noon maraming ulit ko nang ginamit ang mga magasin sa paaralan anupa’t hindi ko na mabilang itong lahat. Tuwing bumabangon ang isang paksa, sa loob o labas ng klase, dala ko agad ang isa sa mga magasin sa paaralan kinabukasan. Ang magasin ay naging kilalang-kilala sa aking klase anupa’t kapag may bumabangong paksa para sa pananaliksik o debate, tinatanong ako ng aking mga kaklase tungkol dito at dinadala ko ang artikulo tungkol dito sa paaralan. Maraming-maraming salamat.

L. C., Brazil

Ang Iglesya Katolika at si Maria

Malaking pinsala ang nagawa ninyo sa Iglesya Katolika sa pangkalahatan at lalo na sa pinagpalang Birheng Maria. (“Ang Iglesya Katolika​—Ang Pangmalas Nito sa Sekso,” Marso 8, 1986 sa Tagalog) Isinulat ninyo na ang “doktrina ng walang hanggang pagkabirhen ni Maria ay nagpapanatili sa ideya na ang seksuwal na mga kaugnayan ay hindi malinis.” Ito ay maling pananampalataya. Ang doktrina ng walang hanggang pagkabirhen ay nagpapanatili na si Maria at si Jose ay indibiduwal na nanata ng kalinisan sa pag-aasawa, na kapuwa nila tinupad magpakailanman. Pagkatapos sinabi ninyo na si Jesus ay mayroong tunay na mga kapatid na lalaki at babae sa kaniyang pamilya. Ito man ay maling pananampalataya. Kung si Jesus ay may iba pang mga kapatid na lalaki at babae, bakit, nang siya ay malapit nang mamatay sa krus, ipinagkatiwala niya ang kaniyang ina sa isang kaibigan sa halip na sa isang kamag-anak?

D. H., Wisconsin

Ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa ay malinis. (Hebreo 13:4) Hindi nito sinisiraan o pinabababa si Maria sa pagsasabi na pagkasilang kay Jesus, siya ay nakipagtalik sa kaniyang asawang si Jose at nagkaroon ng mga anak sa pamamagitan niya. Hindi binabanggit ng Bibliya na pinanatili ni Jose at ni Maria ang panata ng kalinisan magpakailanman. Ang “The New American Bible” (isang saling Katoliko) ay nagsasabi sa Mateo 1:25 tungkol kina Jose at Maria: “At hindi niya sinipingan siya hanggang sa maipanganak ang isang lalaki, na pinanganlan niyang Jesus.” Ang talababa sa saling ito ay nagsasabi: “Idiniriin ng ebanghelista ang pagkabirhen ng ina ni Jesus mula sa sandali ng paglilihi sa kaniya hanggang sa kaniyang kapanganakan. Hindi niya tinutukoy rito ang panahon pagkatapos na ipanganak si Jesus.”

Tungkol sa pagkakaroon ni Jesus ng tunay na mga kapatid na lalaki at mga babae, maraming beses na binabanggit ng Bibliya ang gayon sa Mateo 12:46, 47; 13:55, 56; Marcos 6:3; Lucas 8:19, 20; Juan 2:12; 7:3, 5. Ang “The New Catholic Encyclopedia” ay nagsasabi na ang mga salitang Griego na ginamit upang ipakita ang kaugnayan sa pagitan ni Jesus at ng mga kamag-anak na ito ay mayroong kahulugan na tunay na mga kapatid na lalaki at babae sa dugo. Malamang na ang dahilan kung bakit ipinagkatiwala ni Jesus ang kaniyang ina sa kaniyang alagad na si Juan sa halip na sa sinuman sa kaniyang makalamang mga kapatid na lalaki ay sapagkat hindi pa sila mga mananampalataya noon, at itinuturing ni Jesus na mas mahalaga ang espirituwal na kaugnayan kaysa laman, gaya ng binanggit niya sa Mateo 12:46-50.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share