Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 11/22 p. 11
  • Ano ang Lunas?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Lunas?
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Terorismo—Malapit Nang Magwakas!
    Gumising!—2001
  • Mawawala Pa Ba ang Terorismo?
    Iba Pang Paksa
  • Kapayapaan sa Lupa sa Wakas!
    Gumising!—2006
  • Kasaysayang Tigmak sa Dugo
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 11/22 p. 11

Ano ang Lunas?

“ITO lamang ang tanging lunas,” sabi ng piloto ng EgyptAir na si Hani Galal tungkol sa mahigpit na pagsalakay ng komando sa kaniyang eruplanong na-hijack. Gayunman, ito nga ba’y isang lunas kung pati ang mga walang-malay na pasahero ay namatay o malubhang napinsala?

Sa katunayan, walang sinumang nasasangkot ang nakaaalam ng lunas sa problema ng terorismo. Maaari itong mangyari sa napakaraming anyo at maganap sa napakaraming dako. “Ang terorismo ay gaya ng makaalamat na halimaw na Hydra,” sabi ni Brian Jenkins, isang dalubhasa sa terorismo. “Tuwing puputulin mo ang ulo nito, dalawa ang tumutubo sa lugar nito.”

Maaaring takutin ng ilang mga tao, o maging ng isang tao ang angaw-angaw. Ang paglalagay ng lason sa Tylenol na mga kapsula para sa sakit ng ulo sa Estados Unidos kamakailan, na tinawag na “isang gawain ng puro at payak na terorismo,” ay isang halimbawa. Ang mga maykapangyarihan ay basta walang maisip na paraan ng pakikitungo sa kung ano ang naging isang paghihimagsik laban sa organisadong lipunan.

Subalit bakit ang paghihimagsik na ito? Ano ang may pananagutan sa terorismo? Ang mga tao ay nakadarama na sila ay api at bigo dahilan sa mga kawalan ng katarungan, at nakikita nila ang mga gawain ng terorista na marahil ay siyang tanging solusyon. Nilagdaan ng mga hijacker ng TWA Flight 847 noong nakaraang tag-init ang kanilang pahayag: “Ang mga api ng daigdig.” At, oo, sinabi ng piloto ng TWA sa isang panayam sa telebisyon: “Ang mga taong ito ay may makatuwirang dahilan.”

Sa paliparan ng Roma noong nakaraang taglamig, isa sa mga napatay na terorista ay may isang liham na natagpuan sa kaniyang bangkay na patungkol sa “mga Zionista” na kababasahan: “Yamang nilapastangan ninyo ang aming lupain, ang aming bayan, bilang ganti lalapastanganin namin ang lahat, maging ang inyong mga anak, upang madama ninyo ang kalungkutan ng aming mga anak. Ang mga luha na aming iniluha ay pagbabayaran ng dugo.” Ang kalatas ay nilagdaan: “Mga martir ng Palestina.”

Subalit ang mga taga-Palestina bang ito ay mga martir o mga terorista? Kumusta naman ang gerilya sa Nicaragua na suportado ng Estados Unidos​—sila ba’y mga tagapagtanggol ng kalayaan o mga terorista? Tunay, ang terorista ng isang tao ay tagapagtanggol naman ng kalayaan ng isang tao.

Gayunman, anuman ang itawag dito, walang sinuman ngayon ang ligtas sa mga gawain ng terorista. At ang mga pamamaraan sa seguridad​—maging ang paggasta ng $5 bilyong ng Estados Unidos sa seguridad sa opisyal na mga gusali nito sa ibang bansa​—ay hindi tunay na lunas. Ang mga hakbang na ito ay walang nagagawa upang alisin ang ugat na sanhi ng terorismo. Subalit mayroong lunas. At yamang wala sa kapangyarihan ng tao na ilaan ito, kayang-kaya ito ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang lunas para sa mga api ng daigdig ay hindi ang pagbaling sa mga gawa ng terorismo kundi ang katuparan ng tiyak na pangako ng Diyos: “Ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang walang sala ay mamamalagi roon. Kung tungkol sa mga balakyot, sila ay mahihiwalay sa lupain; at kung tungkol sa mga nagsisigawa nang may karayaan, sila ay mabubunot.”​—Kawikaan 2:21, 22.

Ang pangakong ito ng Diyos ay malapit nang matupad. Titiyakin iyan ng kaniyang tagapamahala, ang binuhay-muling si Jesu-Kristo. Isang hula sa Bibliya ang nagsasabi tungkol sa Isang ito: “At hahatol siya nang may katuwiran sa mga dukha, at sasaway na may katuwiran sa kapakanan ng maaamo sa lupa. At hahampasin niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig; at ng hininga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.”​—Isaias 11:4.

Oo, hindi na magtatagal aalisin ng Anak ng Diyos na si Jesu-Kristo ang lahat ng kawalang-katarungan, gayundin yaong mga may pananagutan dito. Sa matuwid na bagong sistema ng Diyos, ang lahat ng uri ng terorismo at karahasan ay magiging lipas na bagay. Kung gayon ang lahat sa lupa ay mamumuhay sa katiwasayan, malaya sa takot sa anumang pinsala.​—Apocalipsis 21:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share