Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 12/8 p. 16-17
  • Ang Kahanga-hangang Sistema ng Pagpapasak-sa-Sarili ng Dugo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahanga-hangang Sistema ng Pagpapasak-sa-Sarili ng Dugo
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maliit na Pagkumpuni sa Pamamagitan ng mga Pamasak
  • Malalaking Pagkumpuni sa Pamamagitan ng Pamumuo ng Dugo
  • Pag-alis ng Pamumuo
  • Pagtulong sa Dugo na Gawin ang Gawain Nito
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Ang Pinakamahalagang Likido sa Daigdig
    Gumising!—1990
  • Blood Fractions at mga Pamamaraan sa Pag-oopera
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 12/8 p. 16-17

Ang Kahanga-hangang Sistema ng Pagpapasak-sa-Sarili ng Dugo

IKAW ay abalang-abala sa paggamit ng kutsilyo upang ihanda ang pagkain ng inyong pamilya. Aruy! Ang kutsilyo ay dumulas at ikaw ay nahiwa. Bagaman ang gayong panlabas na mga hiwa o sugat ay paminsan-minsan lamang nangyayari, alam mo ba na daan-daang maliliit, panloob na mga sira o sugat ang nangyayari sa bawat araw? Gayunman tayo ay hindi nagdurugo sa kamatayan. Bakit? Ang dugo ay may kahanga-hangang paraan ng pagpapasak sa gayong mga sira.

Maliit na Pagkumpuni sa Pamamagitan ng mga Pamasak

Umaagos sa dugo ang lahat ng mga sustansiyang kinakailangan para sa pagkukumpuni. Subalit ang mga ito ay pinananatiling hindi aktibo hanggang sa magkaroon ng isang krisis. Kapag ito ay nangyari, pinakikilos ng kirot ang mga replekso ng nerbiyos na nagpapaliit sa daluyan ng dugo. Ito ay isang hudyat para sa maliliit na platelet sa dugo na kumilos. Ang mga ito ay nagtutungo sa lugar na may lubhang pangangailangan at ikinakabit ang kanilang mga sarili sa may sira. Ang kemikal na mga hudyat mula sa platelets ay nagpapangyari upang ang higit pang mga platelet ay magtungo sa dakong iyon, at isang maluwag na pamasak ang nag-aanyo. Kadalasang sapat na ito upang pasakan ang maliliit na sira.

Malalaking Pagkumpuni sa Pamamagitan ng Pamumuo ng Dugo

Sa mas malaking mga hiwa o sira, ang isang mas malakas, mas permanenteng tapal o patse ay kinakailangan. Ginagawa pa rin ang isang pamasak na platelet, subalit dapat itong takpan ng isang pamumuo (clot). Gayunman, ang pamumuo ng dugo ay isang masalimuot na gawain na kinasasangkutan ng ilang dosenang mga sustansiya at isang masalimuot na sunud-sunod na kemikal na reaksiyon.

Sa maikli, ganito ang nangyayari: Bilang pagtugon sa biglang pangangailangan, ang mga pinaka-dingding ng daluyan ng dugo o ang mga salik sa pamumuo ng dugo ay naglalabas ng isang kemikal sa dugo. Ito ay nagpapangyari sa fibrinogen, isang hindi kumikilos na proteinang masusumpugan sa plasma ng dugo, na maging fibrin. Ang molekulang fibrin ay pambihira sa kakahayan nitong magkawing-kawing, nag-aanyo ng mahabang mga hibla na bumabalot sa paligid ng pamasak na platelets. Ang mga hiblang ito ay kumikilos na katulad ng isang sapot ng gagamba, sinasalo ang higit pang mga platelets, mga pulang selula ng dugo, at iba pang mga sustansiya upang mag-anyo ng isang pamumuo. Ang bagong anyo, tulad-jelly na pamumuo ay halos 99 porsiyentong tubig. Kaya’t dalawang proteina ang inilabas ng mga platelets, na nagpapangyari sa pamumuo na lumiit at ilabas ang likido. Isang solidong pamumuo ang ngayo’y nag-aanyo. Sa ibabaw ng balat, kung saan ang pamumuo ay nalantad sa hangin, ito ay karaniwang tinatawag na langib.

Minsang magsimula, ang pamamaraan ay dapat na ihinto upang ang pamumuo ay hindi lubhang lumaki anupa’t hinaharangan nito ang daluyan ng dugo at pinuputol ang sirkulasyon ng dugo. Paano ito inihihinto? Pagkatapos ng gawaing pagkukumpuni, ang daloy ng dugo ay mabilis na nagbabalik sa normal at pinaghihiwalay ang mga salik sa pamumuo. Mayroon ding ilang mga anticoagulant (laban sa pamumuo) sa dugo na humahadlang sa labis na pamumuo at iniingatan ang mga platelet sa pagsasama-sama kung saan walang biglang pangangailangan.

Pag-alis ng Pamumuo

Pagkaraang gumaling ang sugat, isa pang kemikal na reaksiyon ang pinakikilos upang sirain ang mga hibla ng fibrin at alisin ang pamumuo. Ang mga piraso ng pamumuo na umaalpas sa dugo ay kinukuha alin ng puting mga selula ng dugo o sinasala sa atay, lapay, at utak sa buto.

Pagtulong sa Dugo na Gawin ang Gawain Nito

May ilang bagay na maaari nating gawin upang tulungan ang dugo na mapahusay ang masalimuot na gawain nito. Ang ehersisyo, gaya ng mabilis na paglalakad at paglangoy, ay nagpapanatili sa malayang sirkulasyon ng dugo. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa lecithin, gaya ng whole-grain na tinapay, at isda na mayaman sa fatty acid ay gumagawa sa mga platelet na hindi gaanong malapot at iniingatan ang dugo sa pag-aanyo ng hindi normal na pamumuo. Gayundin, ang madahong berdeng mga gulay, kamatis, at mga langis mula sa gulay ay tinutustusan ang ating panustos ng bitamina K, na tumutulong sa pagpapanatili sa mabuting ayos ng mekanismo sa pamumuo.

Oo, ang kahanga-hangang sistema ng pagpapasak-sa-sarili ng dugo ay tumutulong sa atin na pahalagahang higit ang katotohanan ng isinulat ni Moises: “Ang buhay ng bawat nabubuhay na bagay ay nasa dugo.”​—Levitico 17:11, Today’s English Version.

[Dayagram sa pahina 16]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Pulang selula

Platelets

Normal na daluyan ng dugo

Kinukumpuni ng mga platelet ang maliliit na sira

Kinukumpuni ng mga platelet, pulang selula, at mga hibla ng fibrin ang mas malalaking sira

Ang mga hibla ng fibrin na sinasalo ang pulang selula

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share