Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 4/8 p. 31
  • Saan Ito Nagmula?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Saan Ito Nagmula?
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsasayaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Pagsasayaw ba ay Para sa mga Kristiyano?
    Gumising!—1996
  • Ang Sumasayaw na mga Diyablo sa Yare
    Gumising!—1998
  • Paano Ko ba Dapat Malasin ang mga Disco?
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 4/8 p. 31

Saan Ito Nagmula?

ISIP-ISIPIN ang aking pagkagulat nang marinig ko ang kakaibang tunog ng kumukuliling na mga kampanilya, isang biyolin, at mga taong nagsasayaw sa labas ng isang sinaunang otel sa nayon ng Cotswold sa Broadway, Inglatera. Habang papalapit ako, nakita ko ang mga pangkat ng mga lalaking nagsasayaw na nakadamit ng puti, nakasombrerong nagagayakan ng mga bulaklak at mga laso, na may maliliit na kampanilyang kumukuliling nang sabay-sabay sa kanilang mga paa. Sila ay mga mananayaw na Morris. Pinagmamasdan ko ang isang kaugalian na mula pa noong mga daan-daang taon ang nakalipas. Natawag ang aking pansin, ipinasiya kong alamin ang higit pa tungkol sa naiibang pagsasayaw na ito ng pawang mga lalaki.

Sinasabi ng isang ulat na ang pangalang Morris ay nagmula sa Kastilang morisco, na nangangahulugang “Moorish.” Ang iba ay may palagay na ito ay mula sa sayaw na morisco, o pandanggong Kastila. Bagaman sa Inglatera ito ay mula pa noong panahon ni Henry VII (1457-1509), ito ay naging popular sa mga kapistahan sa mga nayon noong panahon ng paghahari ni Henry VIII (1509-47). Kahawig na mga sayaw ay karaniwan sa ibang mga bahagi ng Europa, Gitnang Silangan, India, at sa lugar sa Sentral at Timog Amerika. Subalit ano ang kinakatawan ng mga sayaw na Morris?

Ipinaliliwanag ng The New Encyclopædia Britannica na ang karaniwang tampok ng marami sa mga ito ay ang grupo ng mga lalaking nagsasayaw “na alalay ng isang paganong diyos na nagdiriwang ng kaniyang pagkabuhay-muli pagkatapos mamatay. Kadalasan ang mga mananayaw ay nagsusuot ng puting mga damit at nagsasayaw na may nakakabit na mga kampanilya sa kanilang mga paa o katawan. Ang palagay na ang mga sayaw ay may madyik o nagdadala ng suwerte ay nananatili saanman tradisyunal na isinasagawa ang mga ito.”

Isang pagbabago ng sayaw na Morris ay ang horn dance na ginaganap taun-taon sa Abbots Bromley sa Staffordshire, Inglatera. Ipinaliliwanag ng ensayklopedia ring iyon na: “Ang prusisyong-sayaw na ito ay may anim na mga lalaking nakasuot ng mga sungay ng usa . . . isang babae, o Maid Marian, at isang mangmang, na kapuwa may dalang mga simbolong phallic.”

Bagaman para sa marami ang pagsasayaw ng Morris na sayaw ay waring isang hindi nakapipinsalang libangan, makabubuti para sa maingat na mga Kristiyano na alamin ang pinagmulan nito.​—Kawaning manunulat ng Gumising!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share