Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 7/8 p. 16-17
  • Ang mga Babae Ba ay Nararapat sa Pulpito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Babae Ba ay Nararapat sa Pulpito?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maaaring Hatiin ang mga Simbahan
  • Magkapantay Subalit Magkaiba
  • Mga Guro​—Kailan at Kanino?
  • Mga Babaing Lubhang Nagpapagal sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Dapat Bang Maging Ministro ang mga Babae?
    Gumising!—2010
  • Respeto at Dignidad sa Ilalim ng Pangangalaga ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 7/8 p. 16-17

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang mga Babae Ba ay Nararapat sa Pulpito?

“HINDI maintindihan ng mga legong Kristiyano kung bakit, kung ang mga babae ay maaaring maging mga monarka, mga punong ministro, mga hukom, mga seruhano, mga siyentipiko, sila ay dapat hadlangan sa pagdaraos ng Banal na Komunyon at mga pagkakasal,” sulat ng klerigong si Nicholas Stacey ng Church of England sa The Times ng London.

Bagaman sinasanay ng Church of England ang mga babae para sa pantanging paglilingkod, hindi nito pinahihintulutan hanggang sa ngayon ang mga babae na maglingkod bilang mga saserdote o pari upang mangasiwa ng mga sakramento nito. Sumasang-ayon ka ba sa paninindigan ng simbahan, o naniniwala kang ang mga babae ay nararapat sa pulpito?

Maaaring Hatiin ang mga Simbahan

Ang isyu o usapin tungkol sa mga babae bilang mga klero ay naging isang hadlang sa pagitan ng mga membro ng iisang relihiyon. Ang Church of England ay madaling mahahati sa dalawang magkahiwalay na institusyon dahil sa isyung ito, babala ni Dr. Graham Leonard, Obispo ng London, ang nangungunang klerong tutol sa ordinasyon ng mga babae. Sinisisi ng ibang mga tao ang masamang opinyon (prejudice) sa hindi pagpapahintulot sa mga babae sa pulpito, subalit higit pa ang nasasangkot.

Sa nakalipas na mga dekada, sinikap ng Church of England na papagkasunduin ang mga di-pagkakaunawaan nito sa Roma. Subalit sa isang liham kamakailan sa Arsobispo ng Canterbury, sinabi ng papa na ang anumang pagtanggap sa mga babae sa pagkasaserdote ay bubuo “sa mga paningin ng Iglesya Katolika, ng isang lumulubhang hadlang sa pagsulong na iyan.”

Gayunman, isang mahalagang elemento ay nakaligtaan sa debateng ito​—ang Bibliya. Papaano naglingkod ang mga babae sa sinaunang kongregasyong Kristiyano, at ano ang dapat na maging bahagi nila ngayon?

Magkapantay Subalit Magkaiba

Noong kapanganakan ng kongregasyong Kristiyano noong taóng 33 C.E., ang mga babae ay kasama ng mga lalaki bilang mga nagsitanggap ng banal na espiritu. Ito ay katulad na katulad ng inihula ni propeta Joel mga ilang dantaong mas maaga, paliwanag ni apostol Pedro.​—Gawa 1:13-15; 2:1-4, 13-18.

Nang maglaon, lubusang natalos ni Pedro ang isa pang mahalagang bagay: “Ang Diyos ay hindi nagtatangi.” (Gawa 10:34) Sa literal na paraan, ang kasulatang iyan ay nangangahulugan na ang Diyos ay hindi “tumitingin sa mukha.” Ang isang “tumitingin sa mukha” ay nagpapakita ng pagkilala at pagtatangi sa ibang tao. Noong sinaunang panahon, maraming hukom ang nagbibigay ng pabor sa mayayaman kaysa mahihirap. O ang mga hatol ay ibababa batay sa nasyonalidad, katayuan sa lipunan, pamilya, o pagkakaibigan sa halip na batay sa mga katotohanan. Subalit kabaligtaran ang ginagawa ni Jehova. Binibigyan niya ng pabor yaon lamang natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran. Pagdating sa kaligtasan, hindi binibigyan-halaga ng Diyos ang ‘mukha’ ng lalaki sa ‘mukha’ ng babae. Magkapantay sila sa harap niya.​—Gawa 10:35.

Samakatuwid, sinasabi ng Kasulatan na ang Kristiyanong mga lalaki at babae ay magkapantay sa karangalan bilang mga membro ng kongregasyon. Ang apostol Pablo ay sumusulat sa mga Kristiyano sa Galacia na “walang alipin o malaya man, walang lalaki o babae man; sapagkat kayong lahat ay iisa kay Kristo Jesus.” Ang lahat ay may sariling espirituwal na katayuan sa harap ng Diyos; gayunman ang lahat ay nagkakaisa bilang isang lupon ng kaniyang mga lingkod. Lahat ay magkakapantay sa sambahayan ng Diyos.​—Galacia 3:26-28.

Gayumpaman, may mga pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at mga babae sa kongregasyon. Subalit kung paanong ang likas na mga pagkakaiba sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay hindi hadlang sa pagpuno nila sa isa’t isa, gayundin ang iba’t ibang mga pribilehiyo na tinatamasa ng mga lalaki at mga babae sa loob ng kongregasyong Kristiyano ay hindi dapat maging isang hadlang sa pagkakaisa ng kongregasyon. Anu-ano ang mga pagkakaibang iyon?

Mga Guro​—Kailan at Kanino?

Ang pagkakaiba ay nakasentro sa pagtuturo at awtoridad. Ang mga babae ay hinahadlangan sa paglilingkod sa isang opisyal na kakayahan na pagtuturo sa kongregasyon at sa pagsasagawa ng espirituwal na awtoridad sa kapuwa mga membro ng kongregasyon. Sa kaniyang pastoral na liham kay Timoteo, maliwanag na sinasabi ni Pablo: “Ang babae ay hindi ko pinahihintulutang magturo, o magkaroon man ng kapangyarihan sa lalaki, kundi manahimik.”​—1 Timoteo 2:12.

Pagkatapos ay itinuro ni Pablo ang saligan ng hindi pagpapahintulot sa mga babae na maging mga guro​—isang itinakda ng Diyos na kaugnayan sa pagitan ng lalaki at ng babae. “Sapagkat unang nilalang si Adan, saka si Eva,” sulat niya. (1 Timoteo 2:13) Maaari sanang nilalang ng Diyos si Adan at si Eva nang sabay, subalit hindi niya ginawa iyon. Si Adan ay umiral ng mga ilang panahon bago si Eva. Hindi ba ito nagsisiwalat sa layunin ng Diyos para kay Adan na manguna, maging ulo, sa halip na si Eva? (1 Corinto 11:3) At ang magturo, sa katunayan, ay ang pagkilos na parang isang panginoon, o ulo, roon sa mga tinuturuan. Yaong mga tinuturuan ay nakikinig at tahimik na natututo. Kaya, sa loob ng kongregasyon ang mga lalaki lamang ang nagiging mga guro at mga tagapangasiwa.

Subalit ang bagay ba na ang mga babae ay hindi nagtuturo sa loob ng kongregasyon ay dapat magdala ng kabiguan at hinanakit? Hindi. Ang mga babae ay malayang magturo ng turo o doktrinang Kristiyano at inaanyayahan gawin ang gayon. Sa anong kapaligiran at sa ilalim ng anong mga kalagayan? Ang nakatatandang mga babae ay maaaring maging “tagapagturo ng mabuti” sa nakababatang mga babae. At kung paanong tinuruan ni Eunice at ng kaniyang inang si Loida si Timoteo, sinusunod pa rin ng mga babaing Kristiyano ang kanilang halimbawa sa pagsasanay sa mga anak sa “Daan” ng katotohanan.​—Tito 2:3-5; Gawa 9:2; 2 Timoteo 1:5.

Sa ngayon, sinusunod din ng mga babaing Kristiyano ang mga halimbawa ni Euodias at Sintique sa pamamagitan ng hayagang pangangaral ng mabuting balita. (Filipos 4:2, 3) Maaari silang maging mga guro sa pagdaraos ng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya sa mga taong interesado. (Mateo 28:20) Daan-daang libong mga babae ang nakakasumpong ng espirituwal na katuparan sa apurahang gawaing ito ng pangangaral at pagtuturo. Itinuturo nila sa iba ang tungkol sa isang sanlibutan ng katuwiran at kapayapaan sa ilalim ng paghahari ni Jesu-Kristo​—isang pag-asa na pareho nilang tatamasahin na kasama ng kanilang Kristiyanong mga kapatid na lalaki.​—Awit 37:10, 11; 68:11.

[Blurb sa pahina 16]

Ang isyu o usapin tungkol sa mga babae bilang mga klero ay naging isang hadlang sa pagitan ng mga membro ng iisang relihiyon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share