“Isang Bagay na Hindi Mapasulong ng Teknolohiya”
ANG taong nangangalaga sa emergency na linya ng telepono ng Grand Canyon para sa mga hikers (naglalakad nang malayo) na nasa panganib ay nagsasabing “wala nang bubuti pa sa isang mola” upang dalhin ang kaniyang mga kagamitan sa mga dakong hindi maaaring marating. “Ito ay isang bagay na hindi mapasulong ng teknolohiya. Ang helikopter ay napakahusay, subalit ang [hayop] na ito ay idinisenyo upang magtrabaho sa aking linya.”
Ipinaliliwanag ang mga panganib na tinatahak ng kaniyang mola, sinasabi ng lalaking nagtatrabaho sa telepono kung paanong “ang kalupaan ay napakatarik anupa’t ikaw ay mangungunyapit sa pamamagitan ng iyong mga kuko sa daliri, ang iyong ilong na tumatama sa lupa na iyong nilalakaran.” Ang report sa The New York Times ay nagsasabi na ang liku-likong instalasyong ito “ay nagkakabit sa 11 emergency na mga telepono at sa apat na mga istasyon ng ranger, naglilingkod sa tinatayang 100,000 nasa panganib na mga hikers taun-taon.”