Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/8 p. 3
  • Ang Katolisismo sa Third World—Gaano Katatag?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katolisismo sa Third World—Gaano Katatag?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Isyu
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Isang Lunas Para sa Third World?
    Gumising!—1987
  • Teolohiya sa Pagpapalaya—Tutulungan Kaya Nito ang Mahihirap?
    Gumising!—1987
  • Ang Iyo Bang Relihiyon ay Dapat na Nakikilahok sa Pulitika?
    Gumising!—1988
  • Isang Problema Para sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1987
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/8 p. 3

Ang Katolisismo sa Third World​—Gaano Katatag?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Mexico

“LAHAT ng mga Kristiyano ay mga alagad ng isang pulitikal na bilanggo na pinatay sa krus.” ‘Ang Papa John Paul II ang pinakapulitikal na papa na kailanma’y nakita natin!’ “Imposibleng isagawa natin ang ating pananampalataya nang hiwalay sa pulitika.” Ilan lamang ito sa maraming kontrobersiyal na mga pangungusap na sinambit ng mga teologong Katoliko sa isang miting na ginanap sa Mexico City noong Disyembre 1986.

Sa miting ding iyon, may mga tagapakinig na hindi sumang-ayon sa mga tagapagsalita. Ang ilan ay nagsimulang sumigaw bilang pagtatanggol sa Iglesya Katolika, samantalang itinaguyod naman ng iba ang dumadalaw na mga teologo. Ang iba pa ay walang masabi​—nalilito dahil sa kakulangan ng pagkakaisa. Pinatitigil ang kaguluhang ito, ang paring si Bonganjalo Goba ng Timog Aprika ay sumigaw: “Mga kapatid, para bang tayo’y may labanan sa pagitan ng mga Katoliko!”

Bakit naganap ang gayong eksena? Ano ba ang pinag-aawayan?

Ang Isyu

Ang paksang tinatalakay ay ang gawain ng teolohiya sa pagpapalaya​—isang labanan, na itinataguyod ng mga pari at mga teologo sa buong daigdig, upang palayain ang mahihirap at mga taong apí sa mga bansa sa Third World mula sa “panlipunan at pangkabuhayang mga mekanismo na lumilikha ng kayamanan sa kapinsalaan ng mahihirap.”

Bagaman tinatawag ito ng iba na radikal o rebolusyunaryo, tinutukoy naman ito ng iba bilang isang ‘bagong kapahayagan ng Iglesya Katolika Romana.’ Sa ikalawang Komperensiya ng mga Obispo sa Latin Amerika, sa Medellín, Colombia (1968), ipinahayag na ang paghihirap ng mga tao sa mga bansa sa Third World ay dala ng “resultang kasalanan” at na, upang sundin si Kristo, kailangang isagawa ng simbahan ang “karapatan sa pagpili alang-alang sa mahihirap.” Ngunit ano ang maaaring kailanganin nito?

Ang paring Katoliko na taga-Brazil na si Leonardo Boff ay nagbababala, gaya ng iniulat sa isang pahayagan sa Mexico City, na “kung hindi mararating ang isang di-nababahaging lipunan, ang mapagpipilian ay karahasan” at na ito ay “binibigyan-matuwid kapag ang pangunahing mga karapatan ay nilabag.” Oo, si Boff, pati na ang iba pang mga tagapagtaguyod ng teolohiya sa pagpapalaya sa lahat ng mga bansa sa Third World, ay naniniwala na ang terorismo, mga rebolusyon, at digmaan ay baka kailanganin upang mahango ang dukha mula sa kanilang “kahirapan.”

Gayunman, gaya ng ulat ng magasing Newsweek, ang “teolohiya sa pagpapalaya ay may malakas na kakayahan na paglabanin ang mga Romano Katoliko laban sa isa’t isa.” Nasaksihan ito sa miting na ginanap sa Mexico City. Subalit ano ba ang iyong pinaniniwalaan? Ang teolohiya sa pagpapalaya ba ang kasagutan? Ikaw man ay isang taimtim na Katoliko o kabilang sa ibang pananampalataya, ano ang mapapalâ mo sa pagkaalam mo sa mga kalakaran sa Iglesya Katolika sa Third World?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share