Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/22 p. 13
  • Binuksan-muli ng Pagdalaw ng Papa ang Dating Sugat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binuksan-muli ng Pagdalaw ng Papa ang Dating Sugat
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Ang Iglesya Katolika sa Aprika
    Gumising!—1994
  • Ang Iglesya Katolika ng India—Saan Ito Patungo?
    Gumising!—1987
  • Ang Relihiyon ay Pumapanig
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/22 p. 13

Binuksan-muli ng Pagdalaw ng Papa ang Dating Sugat

NOONG panahon ng pagdalaw ng papa sa Alemanya noong nakaraang Mayo, binanggit niya “ang mga paghihirap na nakaharap ng Simbahan noong panahon ng Nazi.” Iniulat ito ng Kölner Stadt-Anzeiger, at ang sabi pa: “Hindi niya binanggit na ang ibang nangungunang mga klerigong Katoliko ay kulang ng tibay-loob, nagsisermon bilang pagsuporta sa denominasyonal na mga paaralan ngunit hindi laban sa pag-uusig sa mga Judio.”

Ang seremonya ng beatipikasyon (kandidato sa pagkasanto) para kay Edith Stein​—isang Judiong nakumberte sa Katolisismo​—ay naging paksa rin ng pagtatalo. Tinutulan ng mga Judio ang pagkatawan sa kaniya bilang isang Katolikong martir. Ang Nürnberger Nachrichten ay nagsabi: “Si Edith Stein ay kandidato sa pagkasanto bilang isang martir sa pananampalatayang Kristiyano, na hindi totoo. Siya ay hinatulang mamatay sa isang silid kung saan siya ay pinalanghap ng nakamamatay na gas sa Auschwitz noong 1942 bilang isang Judio, hindi bilang isang madreng Katoliko.” Sinasabi ng isang grupong Katoliko na ang beatipikasyon ay isang pagsisikap upang pagtakpan ang “nakahihiyang pagtahimik ng Iglesya Katolika pagkatapos na ang mga Nazi ay naging makapangyarihan.” Sinabi ng isa pang grupong Katoliko na ang beatipikasyon “ay huwag mangahas na bulagin kami sa katotohanan na ang mga obispong Katoliko ay hindi man lamang tumutol, kundi bagkus ay hayagang nakipagtulungan sa sistema ng Sosyalistang Pambansa.”

Hiniling ng ilang kritiko ang isang pag-amin sa pagkakasala sa pagtahimik ng Iglesya Katolika noong panahon ng Holocaust, subalit wala namang nangyayari. “Nang siya’y makipagpulong sa mga obispo noong gabing nagdaan,” sabi ng ulat sa Süddeutsche Zeitung, “ang papa ay lubhang nagpakaingat sa pagbanggit sa tinik na ito sa konsiyensiya ng simbahan. Noong panahon ng diktadurang Nazi, ang Apostolikong Sede ay gumawa ng paraan sa pamamagitan ng kasunduan ‘upang maiwasan ang pinakagrabe’ subalit ‘hindi nito nahadlangan ang kapaha-pahamak na mga pangyayari.’ Sinabi ng papa na wala siyang makitang dahilan upang paratangan ang mga obispong Aleman ng pagkakasala dahilan sa kanilang pagtahimik.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share