Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/22 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mabungang mga Bakasyon
  • Pagmamalasakit sa mga Manggagawa
  • Palaruan sa Kulungan ng Baboy
  • Mga Brilyante Buhat sa Bituin
  • Pinakamatagal na Pagtulog
  • Pagsalakay sa mga Pirata sa Musika
  • “Mga Binhi ng Paghihimagsik”
  • Musika sa Kanilang Pandinig
  • Multa, Multa, at Higit Pang Multa!
  • Nanganganib na mga Tubig
  • Mga Brilyante—Talaga Bang “Magpakailanman”?
    Gumising!—1986
  • Galing ito sa Malayong Kalawakan
    Gumising!—2005
  • Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
    Gumising!—1993
  • Paano Ako Magiging Balanse sa Pakikinig ng Musika?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/22 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Mabungang mga Bakasyon

Dapat gawin ng mga magulang ang mga bakasyon ng mga bata sa eskuwela na mabungang panahon, sabi ng Mexicanong sikologo at propesor sa unibersidad na si Rafael Martínez. Sa pamamagitan ng maingat na patiunang pagpaplano, maaaring pagtugmain ng mga magulang ang instruksiyon na ibinibigay sa tahanan at sa paaralan. Sang-ayon sa report sa pahayagan ng Mexico City na El Universal, binanggit ni Martínez na “ang paaralan ay isang sentrong pang-edukasyon na hindi dapat humalili sa edukasyon na dapat ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak.” Kabilang sa iba pang mga bagay, iminumungkahi niya ang isang bumabagay na iskedyul na kinabibilangan ng pagsasanay sa mga gawain sa bahay, ilang gawaing pangkabuhayan, at pagtulong sa mga may kapansanan at mga nangangailangan. Si Martínez ay nagpapayo na “ang panahon ng bakasyon ay hindi dapat mangahulugan ng lubusang pagliliwaliw at pahinga kundi, bagkus, isang pagbabago sa gawain.”

Pagmamalasakit sa mga Manggagawa

Ang mga kompaniyang Haponés ay nagtamo ng malaking kasanayan sa maraming bagay. Gayunman, sila ay bantulot na bawasan ang mga manggagawa kung ito ay kinakailangan. Pansamantalang binawasan pa nga ng isang kompaniya ang mga araw ng pagtrabaho sa isang linggo at ginawa itong tatlong araw na lamang upang iwasan ang pagtatanggal sa sinumang empleado nito. Karaniwan na, ang mga manggagawang Haponés ay sanay na sa habang-buhay na trabaho sa kanilang kompaniya. Pinag-aaral pa nga ng ibang mga kompaniya ang mga anak ng mga empleado at pagkatapos ay pinagtatrabaho sila sa kompaniya. Subalit dahilan sa mga pagbabago sa ekonomiya at ang pangangailangan na maging higit na mas mababa sa mga pamilihan sa daigdig, gayundin ang pagdami ng mga manggagawa sa ilang antas, ang ilang mga kompaniya ay walang mapagpilian kundi bawasan ang kanilang mga manggagawa. Gumawa ng malaking pagsisikap na hanapan ng bagong empleo ang mga manggagawa, dala ng katapatan sa isa’t isa.

Palaruan sa Kulungan ng Baboy

Kapag ang mga kulungan ng baboy ay naging mga palaruan, ang mga biik “ay nagkaroon ng katamtamang pang-araw-araw na paglaki na apat-na-porsiyentong mas mataas kaysa mga kasamang biik na hindi sumasama sa laro.” Ang report na iyon, inilathala sa Calgary Herald tungkol sa mga resulta ng trabaho sa Agrikultura ng siyentipikong si Al Schaefer sa Lacombe Research Station ng Canada, ay nangangahulugan ng mabuting balita para sa mga nag-aalaga ng baboy. Ipinakikita ng pananaliksik ni Schaefer na kapag ang mga baboy ay may mga laruang mapag-uukulan nila ng panahon, sila’y mas lumalaki. Sinubok niyang gamitin ang isang ordinaryong gulong ng kotse na nakabitin sa isang kadena na ibinitin sa kanilang kulungan. Ang mga baboy ay naglaro sa gulong “sa pamamagitan ng pagtulak sa gulong nang urong-sulong o pagkagat sa goma.” Sa ganitong paraan, ang pagsalakay ng mas palaaway na mga baboy sa kulungan ay naibabaling sa “laruan” sa halip na sa kanilang mas matatakuting mga kasama sa kulungan. Bunga nito, pagkaraan ng dalawang-taóng pag-aaral, ang mga baboy na nasa mga kulungang ito na ipinagbili sa palengke ay mayroong mas kaunting mga galos at mas malamán.

Mga Brilyante Buhat sa Bituin

Ang mga mananaliksik mula sa U.S. National Bureau of Standard at sa Enrico Fermi Institute sa Chicago, na pinag-aaralan ang mga piraso ng isang bulalakaw, ay nakagawa ng isang kawili-wiling tuklas. Ang ilan sa bulalakaw ay binubuo ng mga brilyantitos. Sa pagpaparaan sa mga piraso ng bulalakaw sa X-ray at sa electron diffraction, nakita ng mga mananaliksik ang malinaw na pagkinang ng tapyas ng brilyante, ulat ng New Scientist. Ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang mga brilyante ay maaaring mula sa mga atomo ng carbon na inilalabas ng isang bituin at naghinuha na “posibleng ang kalikasan ay gumagawa ng mas mahusay na brilyante kaysa pinakamahusay na sintetikong brilyanteng gawa sa laboratoryo.”

Pinakamatagal na Pagtulog

Sinasabi ng mga minero ang isang pambihirang tuklas nang sila’y maghukay kamakailan ng ginto sa napakalamig na rehiyon ng Siberia sa Yakutia, sa ibabaw lamang ng Arctic Circle. Siyam na metro sa ilalim ng polar tundra, natuklasan nila ang isang triton, isang may buntot na hayop na nabubuhay sa tubig at sa lupa na nahahawig sa isang newt (bubuli), na nasilo sa yelo. Sinasabi ng ahensiya sa balita na Tass na, sa pagkamangha ng mga minero, pagkaraan ng ilang sandali sa arawan “ito ay marahang gumapang . . . sa limang-daliring kamay at paa nito, pinipihit sa magkabi-kabila ang ulo nito, na may bilog at luwang mga mata.” Namatay ito pagkaraan ng ilang araw. Sinasabi ng mga siyentipikong Sobyet na sa kalagayan ng binawasang animasyon, kilala bilang anabiosis, posible para sa gayong mga nilikha na mabuhay nang daan-daan, libu-libo pa nga, na mga taon.

Pagsalakay sa mga Pirata sa Musika

Nilalabanan ng industriya sa rekording ang mga pirata na ilegal na nagti-tape ng mga plaka at ipinagbibili ang mga ito. Isang kompaniya ang nakagawa ng isang sistema na “naggagatlâ,” o gumugupit, ng isang guhit ng frequency sa isang rekording upang ang mga sirkito na inilagay upang magkaroon ng reaksiyon sa gatlâ ay kusang papatay sa tape rekorder. Gayunman, iginigiit ng mga eksperto na sumubok sa paraang iyon na ang gatlâ ay lubhang nakakaapekto sa musika. Kaya, nababahala ang mga musikero, mga teknisyan, at mga mamimili ng plaka na ang gatlâ, na nilalayong ihinto yaong mga nambibiktima sa industriya ng musika, ay sisirain ang maraming taon ng teknolohiya na idinisenyo upang magkaroon ng buhay-na-buhay na tunog ng mga rekording, ginagawa silang mga bagong biktima.

“Mga Binhi ng Paghihimagsik”

Noong Hulyo ng taóng ito, 110 mga guro sa New Jersey ang ipinagsakdal sa korte sa salang paglabag sa isang order ng hukuman na wakasan ang ilegal na pag-aaklas. Ang nangangasiwang hukom, si Paul R. Huot, ay nagsabi na ang kanilang “paglabag sa utos na bumalik-sa-trabaho ay nakakasira sa mga estudyante at nagbibigay-inspirasyon sa hindi paggalang sa batas at paghamak sa mga hukuman,” ulat ng The New York Times. Nababahala na ang lipunan ay lumalayo sa paggalang sa batas, sa kaayusan sa lipunan, at disiplina, ang hukom ay nagsabi: “Ang mga bagay ay hindi na malinaw. Ang lahat ng bagay ay pawang alanganin. Wala na tayong mabuting pag-uugali. Wala na tayong galang. Wala na tayong kagandahang-asal.” Ang dahilan? “Kakaunting mga tao ang kumikilala sa kaibhan sa pagitan ng tama at mali,” sabi ni Huot. “Ang kasalanan ngayon ay ang ikaw ay mahuli, hindi ang paglabag.” Inilalagay ang sisi sa mga magulang, ipinaliwanag niya na sinasabihan nila ang kanilang mga anak na sumunod sa batas, samantalang sila mismo ay nandaraya sa pagbabayad ng buwis, pinalalaki ang mga pagkakagastos, o lumalabag sa mga itinakdang bilis ng pagpapatakbo. “Sa palagay ko tayo’y nagpapalaki ng mga binhi ng paghihimagsik sa bansang ito na parang mga baliw.”

Musika sa Kanilang Pandinig

Upang tipunin at lipulin ang mga daga, pinatugtog ng makaalamat na si Pied Piper ng Hamelin ang kaniyang musikal na tipano. Kamakailan, isang “Pied Piper” ang lumitaw sa Tokyo, inaakit ang mga daga sa pamamagitan ng modernong musikal na mga tipano. Ang “Piper” sa ngayon ay isang kompaniya na nagdadalubhasa sa kalinisang pangkapaligiran, at pagkaraan ng 20 taon ng pananaliksik, sang-ayon sa The Daily Yomiuri, nagawa na nito ang isang sistema ng tubong-sumisipsip upang alisin ang mga daga mula sa matataas na mga gusali. Mga tubo na may mga butas sa bawat pitong piye na nakalatag sa kahabaan ng mga sahig at mga dingding. Ang musika? Ang mga daga ay nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng ultrasonikong mga alon na may frequency na 20 hanggang 38 kilohertz, at kahit na ang mga alon ng tunog mula sa mga kawad ng computer ay nakakaakit sa kanila. Ang mga tubo ay naglalabas ng ultrasonikong mga alon upang “tawagin” ang mga daga, na pumapasok naman sa mga butas at sinisipsip sa kahabaan ng isang tapunang dako, iniinis ng carbon dioxide, at kaagad na binabalot sa isang pilyego ng vinyl para sa malinis na pag-aalis. Mula sa Hamelin hanggang sa Tokyo, ang konklusyon ay iisa: Ang pagkasugapa sa tipanong musika ay maaaring maging mapanganib sa mga daga.

Multa, Multa, at Higit Pang Multa!

Ang kalunsuran ng São Paulo, Brazil, na may tinatayang 12 milyong mga mamamayan, ay mayroong sariling mga suliranin sa trapiko. Sa loob ng isang buwan, isang kabuuang 1,218,491 mga multa sa trapiko ang inisyu. Sa pagtatapos ng taon, tatlong milyon sa apat na milyong mga sasakyan sa lunsod ang inaasahang magmumulta. Buwan-buwan, halos 30,000 mga sasakyan ang nagmumulta ng Cz$1,290 (mga $30, U.S.) dahil sa pagparada sa mga bangketa, ulat ng O Estado de São Paulo. Nasa mga libro pa, bagaman hindi pa ipinatutupad, ang mga multa para sa pagpapalakad sa isang kawan ng mga baka sa mga lansangan (Cz$1,149) at sa pagpaparada sa bangketa ng isang kariton na hila ng kabayo (Cz$384). Ang pag-iiwan ng isang bagay sa isang pasimano na maaaring mahulog sa tawiran ng tao ay maaaring mangahulugan ng multang Cz$99. Isang aksidente, na natatandaan pa rin ng marami, ay nang isang baboy na inaalagaan sa isang terasa ng isang panaderya ang natakot at tumalon sa gilid at bumagsak sa tawiran ng tao, at nabali ang mga braso nito. Ang multang ito ay siningil.

Nanganganib na mga Tubig

Sang-ayon sa mga pinagmumulan ng balitang Israeli, ang mga panustos ng tubig para sa Israel at Jordan ay maaaring malubhang masapanganib ng mahalagang mga gawain na isinasagawa ng Syria, ang kanilang kapitbahay sa hilaga. Ang proyektong isinasagawa ay upang ilihis ang daloy ng pinakamalaking sangang-ilog ng Jordan, ang Nahr al Yarmuk, upang patubigan ang “10,000 ektarya ng lupa” sa hilaga. Sa layuning ito, humukay ng malalaking lawa, na idinudugtong ng isang network “ng mahigit 260 kilometro ng bukás na mga bambang.” Binabalak ng Syria na ilipat ang 500,000 mga mamamayan sa gawing timog ng Golan Heights.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share