Ang Kababalaghan ng mga Piraso ng Niyebe
Namangha ka na ba sa angaw-angaw na pino, maninipis na piraso ng niyebe na nahuhulog kapag bumabagyo ng niyebe? Karaniwang lumulutang sa hangin sa loob ng isang oras o higit pa, ang bawat maninipis na piraso ng niyebe ay nagiging isang obra maestra ng paggawa. Kagila-gilalas, walang dalawang maninipis na piraso ng niyebe ang natuklasang magkatulad, at may sapat na posibleng mga kombinasyon ng mga padron na nagsasabing hindi magkakaroon ng gayong tuklas. Gayunman, ang lahat ay anim-na-sulok ang hugis!
Bakit ba ang lahat ng maninipis na piraso ng niyebe ay may anim na sulok o mga bisig? “Maraming tao ang nag-iisip na tiyak na mayroong isang kumukontrol na nasa gitna ng maninipis na piraso ng niyebe at nagsasabi sa kanilang lahat na gawin ito,” sabi ni Dr. James S. Langer ng Institute for Theoretical Physics sa Santa Barbara, California.
Oo, mientras pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang maninipis na piraso ng niyebe, lalo silang nagpapahalaga, gaya ng iniulat ng “The New York Times” ng Enero 6, 1987: “Ang maninipis na piraso ng mga niyebe ay kataka-taka at mahiwagang sumusunod sa matematikal na mga batas.” Hindi ka ba sumasang-ayon na ang maninipis na mga piraso ng niyebe ay nagpaparangal sa karunungan ng kanilang Maylikha? “Sapagkat sinabi niya sa niyebe, ‘Lumagpak ka sa lupa.’”—Job 37:6.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Mga Piraso ng niyebe, Bentley at Humphreys