Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/8 p. 31
  • Ano ang Nagpapangyari Ritong Pumutok?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Nagpapangyari Ritong Pumutok?
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bulkan—Nanganganib Ka Ba?
    Gumising!—1996
  • Likas na mga Kasakunaan at ang Papel ng Tao
    Gumising!—2005
  • Nabubuong mga Isla
    Gumising!—1998
  • Natural Gas—Enerhiya Para sa mga Tahanan
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/8 p. 31

Ano ang Nagpapangyari Ritong Pumutok?

TAYO ay nasisindak kapag nakikita natin ang mga larawan ng mga pagputok ng bulkan. Kasabay nito, tayo’y nagtatanong, ‘Ano kaya ang nangyayari sa ilalim ng lupa?’

Hindi tiyak ng mga geopisiko kung ano ang nangyayari sa ilalim ng lupa. Gayunman, sang-ayon sa teoriya ng plate tectonics ang buong pang-ibabaw ng lupa ay nahahati sa ilang malalaking sapin (plate). Ang mga saping ito ay kumikilos na parang mga conveyor belts tungo sa mga hangganan ng iba pang mga sapin, at ang isa ay umuus-os sa ilalim ng iba pang hangganan. Kung isang sapin sa karagatan ang uus-os sa ilalim ng isang sapin ng lupa, tumataas ang presyon at temperatura. Habang ang tubig sa mga sapin ng karagatan ay napipiga palabas, binabawasan nito ang init ng mga bato. Kung ang temperatura ay napakainit, ang bato ay malulusaw at nagiging magma.

Ang nalusaw na bato, o magma, ay napupuwersa paitaas at nagtitipon sa isang imbakan mga ilang kilometro sa ilalim ng pang-ibabaw ng lupa. Kapag tumindi ang presyon sa imbakan ng magma, ito ay inilalabas sa pamamagitan ng mga pagputok o pagsabog. Depende sa uri ng nalusaw na bato at nilalaman nitong gas, pinasasabog ng mga pagputok ang tuktok ng mga bundok, nagsasabog ng singaw at gas, o naglalabas ng lava.

Bagaman pinakasaliksik nang husto ng mga geopisiko ang mekanismo ng mga bulkan, hindi pa rin nila nalalaman ang mga detalye sa kung paano nag-aanyo ang magma. Kung tungkol sa kaalaman may kaugnayan sa pag-anyo ng mga bundok, hindi pa rin masasagot ang hamon na inilagay ng Maylikha kay Job: “Nasaan ka ng itatag ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo sa akin, kung mayroon kang unawa.”​—Job 38:4.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Isiningit na mga larawan: C. W. Stoughton/National Park Service

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share