Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 22-23
  • Naabot Niya ang Kaniyang Tunguhin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naabot Niya ang Kaniyang Tunguhin
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Ikaw Ba ay Isang Buong-Panahong Saksi?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Alalahanin ang mga Naglilingkod Nang Buong Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Anong Karera ang Pipiliin Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Paglapit sa Diyos ang Tumulong sa Akin na Magbata
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 22-23

Naabot Niya ang Kaniyang Tunguhin

Maraming kabataan ngayon ang walang layunin sa buhay. Sa kabaligtaran, isang tin-edyer na babae sa Italya ang nagtakda ng kaniyang tunguhin at naabot ito, at nagagalak kaming ibahagi sa aming mga mambabasa ang kaniyang karanasan.

ISANG buwan na lang halos ay magiging 14 anyos na ako. Ako ang pinakamatanda sa apat na magkakapatid na lalaki at babae. Ang aking pamilya ay nahahati sa espirituwal na paraan, yamang ang aking ama ay hindi isa sa mga Saksi ni Jehova.

Ang aking ina ay naging isang Saksi nang ako ay mga ilang buwang gulang pa lamang. Mula sa simula, isinapuso niya ang kaniyang pananagutan na palakihin kaming mga anak niya sa “pangkaisipang patnubay ni Jehova.” (Efeso 6:4; Kawikaan 22:6) Sa katunayan, ayon sa aking nagugunita, palagiang itinuturo niya sa amin ang Bibliya, naghahanda kami para sa mga pulong na sama-sama, at sumasama kami sa kaniya sa bahay-bahay na ministeryo linggu-linggo. Nagpapatotoo rin kami tungkol sa aming pananampalataya sa paaralan.

Mula sa aming pagkabata, ikinintal ni Inay sa aming puso ang pagnanais sa buong-panahong ministeryo sa pamamagitan ng pagbabasa sa amin ng mga karanasan niyaong mga Saksi na naging buong-panahong mga ministro sa loob ng maraming taon. Higit sa lahat, siya’y nag-iwan ng isang halimbawa sa amin. Sa katunayan, hindi kami hinihilingan ni Inay ng isang bagay na hindi niya mismo ginagawa.

Bagaman ang mga tao ay maaaring natutuwang makikinig sa mga bata na dumadalaw sa kanilang mga tahanan sa gawaing ministeryo, kung minsan sila ay walang galang sa mga may sapat na gulang na kasama ng mga bata. Minsan nang ako’y walo o siyam na taóng gulang, ako ay dumalaw sa mga tahanan na kasama ng isang elder. Isang babae ang nagbukas ng pinto, at sinimulan ko ang aking presentasyon. Sa walang galang na paraan, sinabi ng babae sa brother: “Inuobliga pa ninyo ang kawawang mga batang ito na mangaral!” “Hindi po,” kaagad na sagot ko. “Kung ako po ay naririto, ito po’y kagustuhan ko!” Pagkatapos niyaon, tinanggap ng babae, na walang kakibu-kibo, ang literatura na inialok ko sa kaniya.

Nang ako ay sampung taóng gulang, ako’y nakibahagi sa buong-panahong ministeryo noong bakasyon sa paaralan noong Hulyo, bagaman ako ay hindi pa bautismado. Ito ay nangailangan ng kaunting sakripisyo, yamang kinailangang tanggihan ko ang pagpunta sa tabing-dagat. Gayunman ay hindi ko pinagsisihan ito, sapagkat ang kaligayahang nadama ko sa katapusan ng buwang iyon ay hindi mailalarawan.

Ako’y nabautismuhan noong Hunyo nang ako ay 12 1/2 taóng gulang. Noong tag-araw nang taóng iyon, ako ay muling nakibahagi sa buong-panahong ministeryo, at nang maglaon, sa tulong ng isang mahusay na iskedyul, nagamit ko rin ang karamihan ng bakasyon noong Pasko sa gawaing ito. Ginawa ko ito sapagkat sa simula ng pagbubukas ng klase nang taóng iyon, ako ay nagtakda ng isang tunguhin para sa aking sarili. Nakapagpasiya na ako, at sinabi ko kay Jehova sa panalangin, na tatapusin ko ang taóng iyon ng eskuwela nang matagumpay, kakamtin ang aking diploma sa aking ikatlong-taon sa high school, at papasok sa buong-panahong ministeryo.

Nang sandaling gawin ko ang pasiyang ito, nagkaroon ako ng mga problema. Yamang magaling ako sa ilang asignatura, ginipit ako ng mga guro na ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Napakalaki ng tukso sapagkat gusto ko ang mag-aral, subalit hindi ko nakalimutan ang aking tunguhin at ang pangako na ginawa ko kay Jehova.

Nang kumalat ang balita sa gitna ng mga guro na ayaw ko nang ipagpatuloy ang aking pag-aaral, lalong tumindi ang panggigipit, kahit na sa bahagi ng isang guro na hindi man lang nagpakita ng interes sa akin. Upang malagay sa ligtas na panig, siyam na buwan pa na patiuna ibinigay ko na ang aking aplikasyon para sa buong-panahong ministeryo sa mga elder ng aking kongregasyon. Ang panggigipit sa paaralan ay hindi tumigil, subalit nang panahong ito’y hindi ko na iniintindi. Ang aking determinasyon ay nakatulong din sa akin na mapagtagumpayan ang panggigipit sa bahagi ng aking mga kaklase.

Sa wakas natapos rin ang eskuwela noong Hunyo, at noong Hulyo, ako’y nagsimula bilang isang auxiliary na buong-panahong ministro. Maraming mga pagpapala, subalit isa pang problema ang bumangon. Nagkaroon ng bakanteng trabaho sa pabrikang pinagtatrabahuan ng aking ama, at nais niyang ako’y magtungo roon at magtrabahong kasama niya nang buong-panahon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, subalit ako’y tinulungan ni Jehova. Wala pa akong 14 anyos noon, kaya hindi nila maibigay sa akin ang trabaho.

Pagkatapos noong Agosto sinabi ni itay: “Sa Oktubre ikaw ay sasama at magtatrabahong kasama ko.” Kung nagtrabaho ako sa pabrikang iyon, wala sana akong sapat na panahon para sa buong-panahong ministeryo, at kailangan kong magtrabaho nang hali-halili o rilyebo, hindi ko rin sana madadaluhan ang mga pulong. Idinulog ko ang bagay na ito kay Jehova sa panalangin.

Ang sagot ni Jehova ay hindi nagtagal​—halos karaka-raka nakasumpong ako ng isang part-time na trabaho! Kaya, nakaliligaya, noong Setyembre 1, 1987, sinimulan ko ang regular na buong-panahong ministeryo. Ako’y tuwang-tuwa anupa’t hindi ko mailarawan ang kagalakang nadarama ko. Nadarama kong si Jehova ay malapit sa akin, at ako’y nananalangin na patuloy niyang pagpalain ang aking mga pagsisikap.​—Isinulat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share