Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 27
  • Pagdaig sa Pagtatangi sa Lahi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagdaig sa Pagtatangi sa Lahi
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Isaac
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Pinagkakaisa ng Tunay na Kristiyanismo ang Lahat ng Lahi!
    Gumising!—1988
  • Ang Pagtatangi ay Maaaring Daigin!
    Gumising!—1985
  • Paano Ko Madadaig ang mga Damdamin ng Pagtatangi ng Lahi?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 27

Pagdaig sa Pagtatangi sa Lahi

ANG taga-Timog Aprika na si Isaac Langa ay lumaki sa isang pamayanang itim sa Alexandra, Johannesburg. Nagtataglay ng matinding espiritu ng pagtatangi sa lahi, kinapootan niya ang mga puti at minalas ang bansang Zulu na nakahihigit sa iba pang mga bansang itim. Dumadalo sa mga miting na isinaayos ng ANC (Pambansang Kongreso ng Aprika), isang ipinagbabawal na organisasyong laban sa gobyerno, si Isaac ay napasangkot sa mga kaguluhan sa Timog Aprika noong 1976. Nagugunita niya: “Marami ang binaril ng mga pulis at namatay; ang iba ay naging lumpo habang-buhay. Habang nakikita ang lahat ng ito, nagkaroon ako ng espiritu ng paghihiganti. Nais kong makakuha ng isang ripleng awtomatiko at barilin ng hangga’t maaari’y marami na mababaril ko bago ako mismo ay mapatay. Hindi makasumpong ng isang baril, ipinasiya kong sundin ang mga halimbawa ng iba na nagtungo sa kalapit na mga bansa upang magsanay sa militar.”

Nang mapanganib na panahong ito si Isaac ay nakatagpo ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang bahay-bahay na pangangaral. Mga aklat na nagpapaliwanag sa mensahe ng Bibliya ay iniwan sa kaniya, at isa rito, ang Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan​—Saan Nagmumula?, ay nag-iwan ng namamalaging impresyon. Sabi niya: “Nasumpungan ko ngayon ang tunay na kapayapaan na hinahanap ko. Natutuhan ko ang sinasabi ng Bibliya: ‘Ang baluktot ay hindi maitutuwid,’ at: ‘Hindi para sa taong lumalakad ang kahit magtuwid ng kaniyang hakbang.’ (Eclesiastes 1:15; Jeremias 10:23) Kaya nagliwanag sa akin na ang aming pagpupunyagi ay walang kabuluhan sapagkat hindi ito magdadala ng kapayapaan sa lupa. Tanging ang Kaharian lamang ng Diyos ang magdadala nito. (Apocalipsis 11:17, 18) Natulungan din ako ng Bibliya na baguhin ang aking pangmalas sa ibang lahi. (Gawa 10:34, 35) Nakatutuwang malaman na ang mga tao ng lahat ng lahi at tribo ay namumuhay na taglay ang pag-asa ng buhay na walang-hanggan sa isang paraisong lupa sa ilalim ng Kaharian ng Diyos.”

Si Isaac ngayon ay naglilingkod bilang isang buong-panahong naglalakbay na ministro, pinatitibay ang mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova na binubuo ng maraming iba’t ibang pambansang mga pangkat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share