Mga Giraffe, Langgam at mga Punong Akasya
NAIIBIGAN ng giraffe ang mga dahon ng akasya, subalit ang akasya ay gumaganti. Inilalahad ito ni Cynthia Moss sa Portraits in the Wild—Behavior Studies of East African Mammals, pahina 56:
“Kinukupkop ng punungkahoy ang pulu-pulutong na mga langgam, na nakatira sa maitim, hungkag na mga umbok na tumatakip sa mga sanga. Ang bawat tangkay ng dahon ay may labasan ng nektar na lumilitaw na walang ibang layunin kundi ang pakanin ang mga langgam. Pagdating ng isang giraffe upang manginain sa punungkahoy, ginagambala nito ang mga langgam, na kakarimot ng takbo sa mga sanga at patungo sa hayop. Ang partikular na mga langgam na ito, na kabilang sa uri ng Crematogaster, ay napakasakit kumagat; sa gayon, ang giraffe ay hindi nagtatagal sa isang punungkahoy, kundi nagpapalipat-lipat sa mga punungkahoy. Bagaman ang mekanismong ito ay hindi pumipigil sa giraffe sa panginginain sa uring ito ng akasya, maliwanag na tinitiyak nito na ang pinsala ay nababaha-bahagi sa buong populasyon ng mga punungkahoy.”